Exodo 1:1-8
Exodo 1:1-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ito nga ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na nagsipasok sa Egipto: (bawa't lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob.) Si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda; Si Issachar, si Zabulon at si Benjamin; Si Dan at si Nephtali, si Gad at si Aser. At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay pitong pung tao: at si Jose ay nasa Egipto na. At namatay si Jose, at ang lahat niyang kapatid at ang buong lahing yaon. At ang mga anak ni Israel ay lumago, at kumapal na maigi at dumami, at naging totoong makapangyarihan; at ang lupain ay napuno nila. May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto, na hindi kilala si Jose.
Exodo 1:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang mga anak ni Jacob na kasama niyang pumunta sa Egipto, kasama ang kani-kanilang sambahayan: sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, Benjamin, Dan, Neftali, Gad at Asher; silang lahat ay pitumpu. Si Jose ay matagal nang nasa Egipto noon. Paglipas ng panahon, namatay si Jose, ang kanyang mga kapatid at ang kanilang salinlahi. Ngunit mabilis ang pagdami ng mga Israelita kaya't sila'y naging makapangyarihan at halos napuno nila ang buong lupain. Lumipas ang panahon at nagkaroon ang Egipto ng ibang hari na hindi nakakakilala kay Jose.
Exodo 1:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito ang mga anak na lalaki ni Jacob na sumama sa kanya sa Egipto, kasama ang kanilang mga pamilya: sina Reuben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, Benjamin, Dan, Naftali, Gad, at Asher. Si Jose ay matagal nang nasa Egipto. Ang bilang ng lahat ng lahi ni Jacob na sumama sa kanya sa Egipto ay 70. Dumating ang panahon na namatay si Jose at ang lahat ng kanyang kapatid, at lumipas na ang kanilang henerasyon pero mabilis na dumami ang lahi nila. Sa sobrang dami nila, nangalat sila sa buong lupain ng Egipto. Ngayon, nagkaroon ng bagong hari ang Egipto, na walang alam tungkol kay Jose.
Exodo 1:1-8 Ang Biblia (TLAB)
Ito nga ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na nagsipasok sa Egipto: (bawa't lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob.) Si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda; Si Issachar, si Zabulon at si Benjamin; Si Dan at si Nephtali, si Gad at si Aser. At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay pitong pung tao: at si Jose ay nasa Egipto na. At namatay si Jose, at ang lahat niyang kapatid at ang buong lahing yaon. At ang mga anak ni Israel ay lumago, at kumapal na maigi at dumami, at naging totoong makapangyarihan; at ang lupain ay napuno nila. May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto, na hindi kilala si Jose.
Exodo 1:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)