Mga Taga-Efeso 5:15-16
Mga Taga-Efeso 5:15-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon.
Mga Taga-Efeso 5:15-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo namamuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang kundi tulad ng marurunong na nakakaalam ng kalooban ng Dios. Huwag ninyong sayangin ang panahon nʼyo; gamitin nʼyo ito sa paggawa ng mabuti, dahil maraming gumagawa ng kasamaan sa panahong ito.
Mga Taga-Efeso 5:15-16 Ang Biblia (TLAB)
Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong; Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
Mga Taga-Efeso 5:15-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)