Mga Taga-Efeso 4:2-3
Mga Taga-Efeso 4:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kayo'y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa. Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.
Mga Taga-Efeso 4:2-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo. Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa nʼyo mula sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan.
Mga Taga-Efeso 4:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig; Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.
Mga Taga-Efeso 4:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)