Mga Taga-Efeso 3:14-17
Mga Taga-Efeso 3:14-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dahil dito, ako'y lumuluhod sa Ama, na siyang pinagmulan ng bawat sambahayan sa langit at sa lupa. Idinadalangin kong palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya. Dalangin ko na ang lahat ng inyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig
Mga Taga-Efeso 3:14-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tuwing naaalala ko ang plano ng Dios, lumuluhod ako sa pagsamba sa kanya. Siya ang Ama ng mga nasa langit at nasa lupa na itinuturing niya na kanyang buong pamilya. Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espiritwal nʼyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu para manahan si Cristo sa mga puso nʼyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinapanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag-ibig ng Dios
Mga Taga-Efeso 3:14-17 Ang Biblia (TLAB)
Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa, Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob; Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig.
Mga Taga-Efeso 3:14-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dahil dito, ako'y lumuluhod sa Ama, na siyang pinagmulan ng bawat sambahayan sa langit at sa lupa. Idinadalangin kong palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya. Dalangin ko na ang lahat ng inyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig
Mga Taga-Efeso 3:14-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)