Mga Taga-Efeso 1:18
Mga Taga-Efeso 1:18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal
Mga Taga-Efeso 1:18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal
Mga Taga-Efeso 1:18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ipinapanalangin ko rin na maliwanagan ang inyong pusoʼt isipan para maunawaan nʼyo ang pag-asa na inilaan niya sa atin, ang napakahalaga at napakasaganang pagpapala na ipinangako niya sa mga pinabanal.