Ang Mangangaral 4:7-8
Ang Mangangaral 4:7-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mayroon pang ibang mga bagay sa mundong ito na nakita kong walang kabuluhan: ang isang taong nag-iisa sa buhay, walang kaibigan ni kamag-anak ngunit walang tigil sa pagtatrabaho. Wala siyang kasiyahan. Ni hindi niya itinatanong sa sarili kung kanino mauuwi ang kanyang pinagpaguran. Ito man ay walang kabuluhan, isang miserableng pamumuhay.
Ang Mangangaral 4:7-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
May nakita pa ako sa mundong ito na walang kabuluhan. May isang taong nag-iisa sa buhay. Wala siyang anak at wala ring kapatid. Pero wala siyang tigil sa pagtatrabaho at hindi nakokontento sa kanyang kayamanan. Sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi na ako nakakapagsaya dahil sa sobrang pagtatrabaho. Pero wala naman akong mapag-iiwanan ng aking mga pinaghirapan.” Wala itong kabuluhan! At napakalungkot ng ganitong klase ng buhay.
Ang Mangangaral 4:7-8 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw. May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.
Ang Mangangaral 4:7-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mayroon pang ibang mga bagay sa mundong ito na nakita kong walang kabuluhan: ang isang taong nag-iisa sa buhay, walang kaibigan ni kamag-anak ngunit walang tigil sa pagtatrabaho. Wala siyang kasiyahan. Ni hindi niya itinatanong sa sarili kung kanino mauuwi ang kanyang pinagpaguran. Ito man ay walang kabuluhan, isang miserableng pamumuhay.
Ang Mangangaral 4:7-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)