Ang Mangangaral 2:5-6
Ang Mangangaral 2:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Gumawa ako para sa aking sarili ng mga hardin at liwasan. Tinamnan ko ito ng lahat ng uri ng punongkahoy na mapapakinabangan ang bunga. Humukay ako ng mga balon na pagkukunan ng pandilig sa mga pananim na ito.
Ang Mangangaral 2:5-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nagpagawa ako ng mga taniman at pinataniman ko ito ng sari-saring puno na namumunga. Nagpagawa ako ng mga imbakan ng tubig para patubigan ang mga pananim.
Ang Mangangaral 2:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga: Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy
Ang Mangangaral 2:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Gumawa ako para sa aking sarili ng mga hardin at liwasan. Tinamnan ko ito ng lahat ng uri ng punongkahoy na mapapakinabangan ang bunga. Humukay ako ng mga balon na pagkukunan ng pandilig sa mga pananim na ito.
Ang Mangangaral 2:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)