Ang Mangangaral 2:22-23
Ang Mangangaral 2:22-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagpapakapagod at nagpapakahirap nang husto sa mundong ito ang isang tao, ngunit para saan ba ang pagpapagod na ito? Anumang gawin ng tao'y nagdudulot sa kanya ng balisa at hinanakit. May mga gabi pang hindi siya makatulog sa pag-iisip. Ito man ay walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 2:22-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya ano ang makukuha ng tao sa lahat ng pagsusumikap niya rito sa mundo? Lahat ng pinagsumikapan niya sa buong buhay niyaʼy makapagpapasama lang ng kanyang kalooban. Kaya kahit sa gabi ay hindi siya makatulog. Wala rin itong kabuluhan!
Ang Mangangaral 2:22-23 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang gawa, at sa nais ng kaniyang puso na kaniyang iginawa sa ilalim ng araw? Sapagka't lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang, at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis; oo, pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito man ay walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 2:22-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nagpapakapagod at nagpapakahirap nang husto sa mundong ito ang isang tao, ngunit para saan ba ang pagpapagod na ito? Anumang gawin ng tao'y nagdudulot sa kanya ng balisa at hinanakit. May mga gabi pang hindi siya makatulog sa pag-iisip. Ito man ay walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 2:22-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)