Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Deuteronomio 32:1-43

Deuteronomio 32:1-43 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

“Pakinggan mo, langit, ang aking sasabihin, unawain mo, lupa, ang aking bibigkasin. Pumatak nawang gaya ng ulan ang aking ituturo, ang salita ko nawa'y tulad ng hamog na namumuo; upang halama'y diligan at damo'y tumubo. Sapagkat si Yahweh ay aking pupurihin, ang kanyang pangalan ay inyong dakilain. “Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran. Datapwat ang Israel sa kanya ay nagtaksil, di na karapat-dapat na mga anak ang turing, dahil sa pagkakasala nila at ugaling suwail. O mga mangmang at hangal na tao, ganyan ba susuklian ang kabutihan sa inyo ni Yahweh na inyong ama at sa inyo'y lumikha, at nagtaguyod na kayo'y maging isang bansa? “Alalahanin ninyo ang mga lumipas na panahon, ang mga salinlahi ng mga nagdaang taon; tanungin ninyo ang inyong ama at kanilang sasabihin, pati ang matatanda at kanilang sasaysayin. Nang ipamahagi ng Kataas-taasang Diyos ang ipapamanang lupain, nang ang mga bansa'y kanyang hati-hatiin, mga hangganan nito'y kanyang itinakda ayon sa dami ng mga anak niya. Pagkat ang lahi ni Jacob ay kanyang pinili, sila ang kanyang tagapagmanang lahi. “Sa isang disyerto sila'y kanyang natagpuan, sa isang lupang tigang at walang naninirahan. Doon sila'y kanyang pinatnubayan, binantayan at doo'y inalagaan. Isang inahing agila, ang kanyang katulad, sila'y mga inakay na tinuruan niyang lumipad; upang ang Israel ay hindi bumagsak, sinasalo niya ng malalapad niyang pakpak. Si Yahweh lamang ang sa kanila'y pumatnubay, walang diyos na banyaga ang sa kanila'y dumamay. “Kanyang pinagtagumpay sila sa kaburulan, sila'y kumain ng mga ani sa kabukiran. Nakakuha sila ng pulot sa mga batuhan, nakahukay rin ng langis sa lupang tigang. Kanilang mga baka't kambing ay sagana sa gatas; pinakamainam ang kanilang kawan, trigo, at katas ng ubas. “Si Jacob na irog, tumaba't lumaki—katawa'y bumilog; ang Diyos na lumalang kanyang tinalikuran, at itinakwil ang batong tanggulan ng kanyang kaligtasan. Pinanibugho nila si Yahweh dahil sa mga diyus-diyosan. Poot niya'y pinag-alab sa pagsambang kasuklam-suklam. Naghain sila ng handog sa mga demonyo, sa mga diyus-diyosang hindi nila alam kung ano; ngayon lamang dumating mga diyos na bago, na hindi sinamba ng kanilang mga lolo. Iniwan ninyo ang batong tanggulan na sa inyo'y nagdalang-tao, kinalimutan ninyo ang Diyos na tunay na sa inyo ay nagbigay-buhay. “Nang makita ni Yahweh ang ginawa nilang ito, napuspos siya ng galit, poot niya'y nag-alimpuyo laban sa mga anak na inari niyang totoo. ‘Kaya't ako'y lalayo,’ ang sabi niya, ‘Kanilang mga dalangin di na diringgin pa, tingnan ko lang ang kanilang sasapitin— isang lahing suwail, mga anak na taksil. Pinanibugho nila ako sa mga diyos na hindi totoo, sa pagsamba sa kanila'y ginalit nila ako, kaya't bayang hangal kahit hindi akin ay siyang gagamitin, upang aking bayan galitin at panibughuin. Galit ko'y bubuga ng nag-aalab na poot, maglalagablab hanggang sa kalaliman ng daigdig ng mga patay. Lupa't bunga nito apoy ang tutupok, sa mga saligan ng bundok siya ang susunog.’ “‘Tatambakan ko sila ng labis na paghihirap, pauulanan ko sila ng aking mga sibat. Padadalhan ko sila ng nakakalunos na salot, matinding lagnat at gutom ang aking idudulot. Mababangis na hayop aking pasasalakayin, makamandag na ahas sila'y tutuklawin. Sa mga lansanga'y magkakaroon ng mga patayan, sindak at takot naman sa mga tahanan; binata't dalaga'y kapwa pupuksain, maging pasusuhing sanggol at matatandang ubanin. Naisip ko na sana'y sila ang lipulin, sa alaala ng madla sila ay pawiin. Subalit ayaw kong mangyari na ang mga kaaway ay pahambog na magsabi: Kami ang lumupig sa kanila, ngunit akong si Yahweh ang talagang sa kanila'y nagparusa.’ “Sila'y isang bansang salat sa katuwiran, isang bayang wala ni pang-unawa man. Kung sila'y matalino, naunawaan sana nila nangyaring pagkatalo. Kung bakit sila nagapi, sasabihin nila ito: Paano matutugis ng isa ang sanlibo? O ang sampung libo ng dalawa katao? Sila'y pinabayaan ng kanilang batong tanggulan na sa kanila'y nagtakwil at nang-iwan. Tunay ngang tanggulan nila'y hindi tulad ng sa atin; maging ating mga kaaway ito rin ang sasabihin. Sila ay sanga ng ubasan ng Sodoma, mga nagmula sa taniman ng Gomorra; mga ubas nila'y tunay na lason at mapakla. Ang alak na dito'y kinakatas, ay gaya ng mabagsik na kamandag ng ahas. “Hindi ba't iniingatan ko ito sa aking kaban, natatakpang mahigpit sa aking taguan? Akin ang paghihiganti, ako ang magpaparusa; kanilang pagbagsak ay nalalapit na. Araw ng kapahamakan sa kanila'y darating, lubos na pagkawasak ay malapit ng sapitin. Bibigyan ng katarungan ni Yahweh ang kanyang bayan, mga lingkod niyang hirang kanyang kahahabagan. Kapag nakita niyang sila'y nanghihina, at lakas nila'y unti-unting nawawala. Pagkatapos itatanong ng Diyos sa kanyang bayan, ‘Nasaan ngayon ang inyong mga diyos, tanggulang inyong pinagkatiwalaan? Sinong umubos sa taba ng inyong handog, at sino ang uminom ng alak ninyong kaloob? Bakit hindi ninyo sila tawagin at tulong ay hingin? Hindi ba nila kayo kayang sagipin? “‘Alamin ninyong ako ang Diyos—Oo, ako lamang. Maliban sa akin ay wala nang iba pa. Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay, ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman. Wala nang makakapigil, anuman ang aking gawin. Isinusumpa ko ito sa harap ng kalangitan, habang ako'y nabubuhay, Diyos na walang hanggan. Hahasain ko ang aking tabak na makinang upang igawad ang aking katarungan. Mga kaaway ko'y aking paghihigantihan, at sisingilin ko ang sa aki'y nasusuklam. Sa aking mga palaso dugo nila'y dadanak, laman nila'y lalamunin nitong aking tabak; hindi ko igagalang sinumang lumaban, tiyak na mamamatay bilanggo ma't sugatan!’ “Mga bansa, bayan ni Yahweh'y inyong papurihan, mga pumapatay sa kanila'y kanyang pinaparusahan. Ang kanilang mga kaaway kanyang ginagantihan, at pinapatawad ang kasalanan ng kanyang bayan.”

Deuteronomio 32:1-43 Ang Salita ng Dios (ASND)

O langit, makinig, sapagkat magsasalita ako! O lupa, pakinggan ang aking mga salita. Ang aking mga katuruan ay papatak gaya ng ulan at hamog. Ang aking mga salita ay katulad ng patak ng ulan sa mga damo; katulad rin ng ambon sa mga pananim. Ipahahayag ko ang pangalan ng PANGINOON. Purihin natin ang kadakilaan ng ating Dios! Siya ang Bato na kanlungan; matuwid ang lahat ng gawa niya at mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang mga pamamaraan. Matapat siyang Dios at hindi nagkakasala; makatarungan siya at maaasahan. Ngunit nagkasala kayo sa kanya at hindi na kayo itinuring na mga anak niya, dahil sa inyong kasamaan. Makasalanan kayo at madayang henerasyon! Ganito pa ba ang igaganti ninyo sa PANGINOON, kayong mga mangmang at kulang sa pang-unawa? Hindi baʼt siya ang inyong ama na lumikha sa inyo at nagtaguyod na kayoʼy maging isang bansa? Alalahanin ninyo ang mga taon na lumipas; isipin ninyo ang mga lumipas na henerasyon. Tanungin ninyo ang inyong mga magulang at mga matatanda, at ihahayag nila ito sa inyo. Nang binigyan ng Kataas-taasang Dios ang mga bansa ng lupain nila at nang pinagbukod-bukod niya ang mga mamamayan, nilagyan niya sila ng hangganan ayon sa dami ng mga anghel ng Dios. Pinili rin ng PANGINOON ang lahi ni Jacob bilang mamamayan niya. Nakita niya sila sa disyerto, sa lugar na halos walang tumutubong pananim. Binabantayan niya sila at iniingatan katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mata. Binantayan niya sila gaya ng pagbabantay ng agila sa kanyang mga inakay habang tinuturuan niya itong lumipad. Ibinubuka niya ang kanyang mga pakpak para saluhin at buhatin sila. Ang PANGINOON lang ang gumagabay sa kanyang mga mamamayan, walang tulong mula sa ibang mga dios. Sila ang pinamahala niya sa mga kabundukan, at pinakain ng mga ani ng lupa. Inalagaan niya sila sa pamamagitan ng pulot mula sa batuhan at ng langis ng olibo mula sa mabatong lupa. Binigyan niya sila ng keso at gatas ng mga baka at kambing, at binigyan ng matatabang tupa at kambing mula sa Bashan. Binigyan din niya sila ng pinakamagandang trigo at pinainom ng katas ng ubas. Naging maunlad ang mga Israelita pero nagrebelde sila. Tumaba sila at lumakas, ngunit tinalikuran nila ang Dios na lumikha sa kanila, at sinuway nila ang kanilang Bato na kanlungan na kanilang Tagapagligtas. Pinagselos nila at ginalit ang PANGINOON dahil sa kanilang pagsamba sa mga dios na kasuklam-suklam. Naghandog sila sa mga demonyo na hindi tunay na dios – mga dios na hindi nila kilala at kailan lang lumitaw, at hindi iginalang ng kanilang mga ninuno. Kinalimutan nila ang Dios na Bato na kanlungan na lumikha sa kanila. Nakita ito ng PANGINOON, at dahil sa kanyang galit, itinakwil niya sila na kanyang mga anak. Sinabi niya, “Tatalikuran ko sila, at titingnan ko kung ano ang kanilang kahihinatnan, sapagkat silaʼy masamang henerasyon, mga anak na hindi matapat. Pinagselos nila ako sa mga hindi tunay na dios, at ginalit nila ako sa kanilang walang kwentang mga dios-diosan. Kaya pagseselosin ko rin sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa ibang mga lahi. Gagalitin ko sila sa pamamagitan ng pagpapala ko sa mga mangmang na bansa. Naglalagablab na parang apoy ang aking galit; susunugin nito ang lupa at ang lahat ng naroon, pati ang kailaliman ng lupa, at ang pundasyon ng mga bundok. “Padadalhan ko sila ng mga kalamidad, at tatamaan sila ng aking mga pana. Gugutumin ko sila; at mangamamatay sila sa gutom at karamdaman. Padadalhan ko sila ng mababangis na hayop para atakihin sila at mga ahas para silaʼy tuklawin. Sa labas ng kanilang bahay, marami ang mamamatay sa labanan, at sa loob nitoʼy maghahari ang takot. Mamamatay ang lahat, maging ang mga kabataan, matatanda at mga bata. Sinabi ko na pangangalatin ko sila hanggang sa hindi na sila maalala sa mundo. Ngunit hindi ko papayagang magyabang ang kanilang mga kaaway. Baka sabihin nila, ‘Natalo natin sila. Hindi ang PANGINOON ang gumawa nito.’ ” Ang Israel ay isang bansa na walang alam at pang-unawa. Kung matalino lang sila, mauunawaan sana nila ang kanilang kahihinatnan. Paano ba mahahabol ng isang tao ang 1,000 Israelita? Paano matatalo ng dalawang tao ang 10,000 sa kanila? Mangyayari lamang ito kung ibinigay sila ng PANGINOON na kanilang Bato na kanlungan. Sapagkat ang Bato na kanlungan ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating batong kanlungan; at kahit sila ay nakakaalam nito. Kasinsama ng mga naninirahan sa Sodom at Gomora ang ating mga kaaway, katulad ng ubas na mapait at nakakalason ang bunga, at katulad ng alak na gawa sa kamandag ng ahas. Nalalaman ng PANGINOON ang kanilang ginagawa, iniipon niya muna ito at naghihintay ng tamang panahon para parusahan sila. Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila, sapagkat darating ang panahon na madudulas sila. Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.” Ipagtatanggol ng PANGINOON ang kanyang mga mamamayan; kaaawaan niya ang kanyang mga lingkod, kapag nakita niya na wala na silang lakas at kakaunti na lang ang natira sa kanila, alipin man o hindi. At pagkatapos ay magtatanong ang PANGINOON sa kanyang mamamayan, “Nasaan na ngayon ang inyong mga dios, ang batong kanlungan ninyo? Nasaan na ngayon ang inyong mga dios na kumakain ng taba at umiinom ng alak na inyong handog? Magpatulong kayo sa kanila, at gawin ninyo silang proteksyon! Tingnan ninyo ngayon; ako lang ang Dios! Wala nang iba pang dios maliban sa akin. Ako ang pumapatay at ako ang nagbibigay-buhay; ako ang sumusugat at nagpapagaling, at walang makatatakas sa aking mga kamay. Ngayon, itataas ko ang aking mga kamay at manunumpa, ‘Ako na nabubuhay magpakailanman, hahasain ko ang aking espada at gagamitin ko ito sa aking pagpaparusa: Gagantihan ko ang aking mga kaaway at pagbabayarin ang mga napopoot sa akin. Dadanak ang kanilang dugo sa aking pana, at ang aking espada ang papatay sa kanilang mga katawan. Mamamatay sila pati na ang sugatan at mga bilanggo. Mamamatay pati ang kanilang mga pinuno.’ ” Mga bansa, purihin nʼyo ang mga mamamayan ng PANGINOON. Sapagkat gaganti ang PANGINOON sa mga pumatay sa kanyang mga lingkod. Gaganti siya sa kanyang mga kaaway, at lilinisin niya ang kanyang lupain at ang kanyang mamamayan.

Deuteronomio 32:1-43 Ang Biblia (TLAB)

Makinig kayo, mga langit, at ako'y magsasalita, At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig. Ang aking aral ay papatak na parang ulan; Ang aking salita ay bababa na parang hamog; Gaya ng ambon sa malambot na damo, At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin: Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios. Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya. Sila'y nagpakasama, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan; Mga tampalasan at likong lahi. Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon, O mangmang na bayan at hindi pantas? Hindi ba siya ang iyong ama na tumangkilik sa iyo? Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka. Alalahanin mo ang mga araw ng una, Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi: Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo; Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo. Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana, Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao, Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel. Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan; Si Jacob ang bahaging mana niya. Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang; Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap, Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata: Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad, Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay, Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha, Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak: Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya. Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa, At siya'y kumain ng tubo sa bukid; At kaniyang pinahitit ng pulot na mula sa bato, At ng langis na mula sa batong pinkian; Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa, Na may taba ng mga kordero, At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing, Na may taba ng mga butil ng trigo; At sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak. Nguni't tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan. Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios, Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila siya sa kagalitan. Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios, Sa mga dios na hindi nila nakilala, Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang, Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang. Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka, At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo. At nakita ng Panginoon, at kinayamutan sila, Dahil sa pamumungkahi ng kaniyang mga anak na lalake at babae. At kaniyang sinabi, Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas; Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi, Na mga anak na walang pagtatapat. Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios; Kanilang minungkahi ako sa galit sa kanilang mga walang kabuluhan: At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan: Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa. Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit, At nagniningas hanggang sa Sheol, At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito, At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok. Aking dadaganan sila ng mga kasamaan; Aking gugugulin ang aking busog sa kanila: Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init, At ng mapait na pagkalipol; At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila, Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok. Sa labas ay pipighatiin ng tabak. At sa mga silid ay kakilabutan; Malilipol kapuwa ang binata at dalaga, Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban. Aking sinabi, Aking pangangalatin sila sa malayo, Aking papaglilikatin sa mga tao ang alaala sa kanila; Kundi aking kinatatakutan ang mungkahi ng kaaway; Baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali, Baka kanilang sabihin, Ang aming kamay ay tanghal, At hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito. Sapagka't sila'y bansang salat sa payo, At walang kaalaman sa kanila. Oh kung sila'y mga pantas, na kanilang tinalastas ito, Kung nababatid nila ang kanilang wakas! Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo, At ang dalawa'y magpapatakas sa sangpung libo, Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato, At ibigay sila ng Panginoon? Sapagka't ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato, Kahit ang ating mga kaaway man ang maging mga hukom. Sapagka't ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma, At sa mga parang ng Gomorra: Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo, Ang kanilang mga buwig ay mapait: Ang kanilang alak ay kamandag ng mga dragon, At mabagsik na kamandag ng mga ahas. Di ba ito'y natatago sa akin, Na natatatakan sa aking mga kayamanan? Ang panghihiganti ay akin, at gayon din ang gantingpala, Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa: Sapagka't ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit, At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali. Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, At magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod; Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala, At wala ng natitira na natatakpan o naiwan. At kaniyang sasabihin, Saan nandoon ang kanilang mga dios, Ang bato na siya nilang pinanganlungan; Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain, At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog? Bumangon sila at tumulong sa inyo, At sila'y maging pagkupkop sa inyo. Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay. Sapagka't aking itinataas ang aking kamay sa langit, At aking sinasabi, Buhay ako magpakailan man, Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak, At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan; Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway, At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin. At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod, At ang aking tabak ay sasakmal ng laman; Sa dugo ng patay at ng mga bihag, Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway. Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan; Sapagka't ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod, At manghihiganti sa kaniyang mga kaalit, At patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan.

Deuteronomio 32:1-43 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

“Pakinggan mo, langit, ang aking sasabihin, unawain mo, lupa, ang aking bibigkasin. Pumatak nawang gaya ng ulan ang aking ituturo, ang salita ko nawa'y tulad ng hamog na namumuo; upang halama'y diligan at damo'y tumubo. Sapagkat si Yahweh ay aking pupurihin, ang kanyang pangalan ay inyong dakilain. “Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran. Datapwat ang Israel sa kanya ay nagtaksil, di na karapat-dapat na mga anak ang turing, dahil sa pagkakasala nila at ugaling suwail. O mga mangmang at hangal na tao, ganyan ba susuklian ang kabutihan sa inyo ni Yahweh na inyong ama at sa inyo'y lumikha, at nagtaguyod na kayo'y maging isang bansa? “Alalahanin ninyo ang mga lumipas na panahon, ang mga salinlahi ng mga nagdaang taon; tanungin ninyo ang inyong ama at kanilang sasabihin, pati ang matatanda at kanilang sasaysayin. Nang ipamahagi ng Kataas-taasang Diyos ang ipapamanang lupain, nang ang mga bansa'y kanyang hati-hatiin, mga hangganan nito'y kanyang itinakda ayon sa dami ng mga anak niya. Pagkat ang lahi ni Jacob ay kanyang pinili, sila ang kanyang tagapagmanang lahi. “Sa isang disyerto sila'y kanyang natagpuan, sa isang lupang tigang at walang naninirahan. Doon sila'y kanyang pinatnubayan, binantayan at doo'y inalagaan. Isang inahing agila, ang kanyang katulad, sila'y mga inakay na tinuruan niyang lumipad; upang ang Israel ay hindi bumagsak, sinasalo niya ng malalapad niyang pakpak. Si Yahweh lamang ang sa kanila'y pumatnubay, walang diyos na banyaga ang sa kanila'y dumamay. “Kanyang pinagtagumpay sila sa kaburulan, sila'y kumain ng mga ani sa kabukiran. Nakakuha sila ng pulot sa mga batuhan, nakahukay rin ng langis sa lupang tigang. Kanilang mga baka't kambing ay sagana sa gatas; pinakamainam ang kanilang kawan, trigo, at katas ng ubas. “Si Jacob na irog, tumaba't lumaki—katawa'y bumilog; ang Diyos na lumalang kanyang tinalikuran, at itinakwil ang batong tanggulan ng kanyang kaligtasan. Pinanibugho nila si Yahweh dahil sa mga diyus-diyosan. Poot niya'y pinag-alab sa pagsambang kasuklam-suklam. Naghain sila ng handog sa mga demonyo, sa mga diyus-diyosang hindi nila alam kung ano; ngayon lamang dumating mga diyos na bago, na hindi sinamba ng kanilang mga lolo. Iniwan ninyo ang batong tanggulan na sa inyo'y nagdalang-tao, kinalimutan ninyo ang Diyos na tunay na sa inyo ay nagbigay-buhay. “Nang makita ni Yahweh ang ginawa nilang ito, napuspos siya ng galit, poot niya'y nag-alimpuyo laban sa mga anak na inari niyang totoo. ‘Kaya't ako'y lalayo,’ ang sabi niya, ‘Kanilang mga dalangin di na diringgin pa, tingnan ko lang ang kanilang sasapitin— isang lahing suwail, mga anak na taksil. Pinanibugho nila ako sa mga diyos na hindi totoo, sa pagsamba sa kanila'y ginalit nila ako, kaya't bayang hangal kahit hindi akin ay siyang gagamitin, upang aking bayan galitin at panibughuin. Galit ko'y bubuga ng nag-aalab na poot, maglalagablab hanggang sa kalaliman ng daigdig ng mga patay. Lupa't bunga nito apoy ang tutupok, sa mga saligan ng bundok siya ang susunog.’ “‘Tatambakan ko sila ng labis na paghihirap, pauulanan ko sila ng aking mga sibat. Padadalhan ko sila ng nakakalunos na salot, matinding lagnat at gutom ang aking idudulot. Mababangis na hayop aking pasasalakayin, makamandag na ahas sila'y tutuklawin. Sa mga lansanga'y magkakaroon ng mga patayan, sindak at takot naman sa mga tahanan; binata't dalaga'y kapwa pupuksain, maging pasusuhing sanggol at matatandang ubanin. Naisip ko na sana'y sila ang lipulin, sa alaala ng madla sila ay pawiin. Subalit ayaw kong mangyari na ang mga kaaway ay pahambog na magsabi: Kami ang lumupig sa kanila, ngunit akong si Yahweh ang talagang sa kanila'y nagparusa.’ “Sila'y isang bansang salat sa katuwiran, isang bayang wala ni pang-unawa man. Kung sila'y matalino, naunawaan sana nila nangyaring pagkatalo. Kung bakit sila nagapi, sasabihin nila ito: Paano matutugis ng isa ang sanlibo? O ang sampung libo ng dalawa katao? Sila'y pinabayaan ng kanilang batong tanggulan na sa kanila'y nagtakwil at nang-iwan. Tunay ngang tanggulan nila'y hindi tulad ng sa atin; maging ating mga kaaway ito rin ang sasabihin. Sila ay sanga ng ubasan ng Sodoma, mga nagmula sa taniman ng Gomorra; mga ubas nila'y tunay na lason at mapakla. Ang alak na dito'y kinakatas, ay gaya ng mabagsik na kamandag ng ahas. “Hindi ba't iniingatan ko ito sa aking kaban, natatakpang mahigpit sa aking taguan? Akin ang paghihiganti, ako ang magpaparusa; kanilang pagbagsak ay nalalapit na. Araw ng kapahamakan sa kanila'y darating, lubos na pagkawasak ay malapit ng sapitin. Bibigyan ng katarungan ni Yahweh ang kanyang bayan, mga lingkod niyang hirang kanyang kahahabagan. Kapag nakita niyang sila'y nanghihina, at lakas nila'y unti-unting nawawala. Pagkatapos itatanong ng Diyos sa kanyang bayan, ‘Nasaan ngayon ang inyong mga diyos, tanggulang inyong pinagkatiwalaan? Sinong umubos sa taba ng inyong handog, at sino ang uminom ng alak ninyong kaloob? Bakit hindi ninyo sila tawagin at tulong ay hingin? Hindi ba nila kayo kayang sagipin? “‘Alamin ninyong ako ang Diyos—Oo, ako lamang. Maliban sa akin ay wala nang iba pa. Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay, ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman. Wala nang makakapigil, anuman ang aking gawin. Isinusumpa ko ito sa harap ng kalangitan, habang ako'y nabubuhay, Diyos na walang hanggan. Hahasain ko ang aking tabak na makinang upang igawad ang aking katarungan. Mga kaaway ko'y aking paghihigantihan, at sisingilin ko ang sa aki'y nasusuklam. Sa aking mga palaso dugo nila'y dadanak, laman nila'y lalamunin nitong aking tabak; hindi ko igagalang sinumang lumaban, tiyak na mamamatay bilanggo ma't sugatan!’ “Mga bansa, bayan ni Yahweh'y inyong papurihan, mga pumapatay sa kanila'y kanyang pinaparusahan. Ang kanilang mga kaaway kanyang ginagantihan, at pinapatawad ang kasalanan ng kanyang bayan.”

Deuteronomio 32:1-43 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Makinig kayo, mga langit, at ako'y magsasalita, At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig. Ang aking aral ay papatak na parang ulan; Ang aking salita ay bababa na parang hamog; Gaya ng ambon sa malambot na damo, At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin: Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios. Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya. Sila'y nagpakasamá, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan; Mga tampalasan at likong lahi. Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon, O mangmang na bayan at hindi pantas? Hindi ba siya ang iyong ama na tumangkilik sa iyo? Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka. Alalahanin mo ang mga araw ng una, Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi: Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo; Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo. Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana, Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao, Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel. Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan; Si Jacob ang bahaging mana niya. Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang; Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap, Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata: Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad, Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay, Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha, Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak: Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya. Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa, At siya'y kumain ng tubo sa bukid; At kaniyang pinahitit ng pulot na mula sa bato, At ng langis na mula sa batong pinkian; Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa, Na may taba ng mga kordero, At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing, Na may taba ng mga butil ng trigo; At sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak. Nguni't tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan. Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios, Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila siya sa kagalitan. Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios, Sa mga dios na hindi nila nakilala, Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang, Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang. Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka, At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo. At nakita ng Panginoon, at kinayamutan sila, Dahil sa pamumungkahi ng kaniyang mga anak na lalake at babae. At kaniyang sinabi, Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas; Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi, Na mga anak na walang pagtatapat. Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios; Kanilang minungkahi ako sa galit sa kanilang mga walang kabuluhan: At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan: Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa. Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit, At nagniningas hanggang sa Sheol, At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito, At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok. Aking dadaganan sila ng mga kasamaan; Aking gugugulin ang aking busog sa kanila: Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init, At ng mapait na pagkalipol; At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila, Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok. Sa labas ay pipighatiin ng tabak. At sa mga silid ay kakilabutan; Malilipol kapuwa ang binata at dalaga, Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban. Aking sinabi, Aking pangangalatin sila sa malayo, Aking papaglilikatin sa mga tao ang alaala sa kanila; Kundi aking kinatatakutan ang mungkahi ng kaaway; Baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali, Baka kanilang sabihin, Ang aming kamay ay tanghal, At hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito. Sapagka't sila'y bansang salat sa payo, At walang kaalaman sa kanila. Oh kung sila'y mga pantas, na kanilang tinalastas ito, Kung nababatid nila ang kanilang wakas! Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo, At ang dalawa'y magpapatakas sa sangpung libo, Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato, At ibigay sila ng Panginoon? Sapagka't ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato, Kahit ang ating mga kaaway man ang maging mga hukom. Sapagka't ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma, At sa mga parang ng Gomorra: Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo, Ang kanilang mga buwig ay mapait: Ang kanilang alak ay kamandag ng mga dragon, At mabagsik na kamandag ng mga ahas. Di ba ito'y natatago sa akin, Na natatatakan sa aking mga kayamanan? Ang panghihiganti ay akin, at gayon din ang gantingpala, Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa: Sapagka't ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit, At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali. Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, At magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod; Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala, At wala ng natitira na natatakpan o naiwan. At kaniyang sasabihin, Saan nandoon ang kanilang mga dios, Ang bato na siya nilang pinanganlungan; Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain, At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog? Bumangon sila at tumulong sa inyo, At sila'y maging pagkupkop sa inyo. Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay. Sapagka't aking itinataas ang aking kamay sa langit, At aking sinasabi, Buháy ako magpakailan man, Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak, At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan; Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway, At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin. At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod, At ang aking tabak ay sasakmal ng laman; Sa dugo ng patay at ng mga bihag, Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway. Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan; Sapagka't ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod, At manghihiganti sa kaniyang mga kaalit, At patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan.