Deuteronomio 11:31-32
Deuteronomio 11:31-32 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tatawid na kayo sa Jordan para pasukin at angkinin ang lupaing ibinibigay ng PANGINOON na inyong Dios sa inyo. Kapag nakuha na ninyo ito at doon na kayo naninirahan, sundin ninyo ang lahat ng mga utos at tuntunin na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito.
Deuteronomio 11:31-32 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Malapit na kayong tumawid ng Jordan upang sakupin ang lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh. Pagdating ninyo roon, sundin ninyong mabuti ang lahat ng mga utos at tuntuning inilahad ko ngayon sa inyo.
Deuteronomio 11:31-32 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't kayo'y tatawid sa Jordan upang inyong pasukin na ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, at inyong aariin, at tatahan kayo roon. At inyong isasagawa ang lahat ng mga palatuntunan at mga kahatulan na aking iginagawad sa inyo sa araw na ito.
Deuteronomio 11:31-32 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Malapit na kayong tumawid ng Jordan upang sakupin ang lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh. Pagdating ninyo roon, sundin ninyong mabuti ang lahat ng mga utos at tuntuning inilahad ko ngayon sa inyo.
Deuteronomio 11:31-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)