Deuteronomio 1:1-3
Deuteronomio 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang tagubilin ni Moises sa buong Israel nang sila'y nasa ilang sa ibayo ng Jordan, sa Araba. Ito ay nasa tapat ng Suf, sa pagitan ng bayan ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Di-zahab. (Labing-isang araw ang paglalakbay mula sa Sinai hanggang sa Kades-barnea kung sa kaburulan ng Seir dadaan.) Nang unang araw ng ikalabingisang buwan ng ikaapatnapung taon mula nang sila'y umalis sa Egipto, sinabi ni Moises sa mga Israelita ang mga utos na ibinigay sa kanya ni Yahweh.
Deuteronomio 1:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang aklat na ito ay tungkol sa mga mensahe na sinabi ni Moises sa lahat ng Israelita noong naroon pa sila sa ilang, sa silangan ng Ilog ng Jordan. Nagkakampo sila sa Kapatagan ng Jordan malapit sa Suf, sa gitna ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Dizahab. (Mga 11 araw na paglalakbay mula sa Bundok ng Sinai papunta sa Kadesh Barnea kung dadaan sa Bundok ng Seir.) Nang unang araw ng ika-11 buwan, sa ika-40 taon, mula nang umalis ang mga Israelita sa Egipto, sinabi sa kanila ni Moises ang lahat ng iniutos ng PANGINOON na sabihin sa kanila.
Deuteronomio 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Ito ang mga salita na sinalita ni Moises sa buong Israel sa dako roon ng Jordan sa ilang, sa Araba na katapat ng Suph, sa pagitan ng Paran, at ng Thopel, at ng Laban, at ng Haseroth, at ng Di-zahab. Labing isang araw na lakbayin mula sa Horeb kung dadaan ng bundok ng Seir hanggang sa Cades-barnea. At nangyari nang ikaapat na pung taon, nang ikalabing isang buwan, nang unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel, tungkol sa lahat na ibinigay sa kaniyang utos ng Panginoon sa kanila
Deuteronomio 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang tagubilin ni Moises sa buong Israel nang sila'y nasa ilang sa ibayo ng Jordan, sa Araba. Ito ay nasa tapat ng Suf, sa pagitan ng bayan ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Di-zahab. (Labing-isang araw ang paglalakbay mula sa Sinai hanggang sa Kades-barnea kung sa kaburulan ng Seir dadaan.) Nang unang araw ng ikalabingisang buwan ng ikaapatnapung taon mula nang sila'y umalis sa Egipto, sinabi ni Moises sa mga Israelita ang mga utos na ibinigay sa kanya ni Yahweh.
Deuteronomio 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)