Daniel 6:26-27
Daniel 6:26-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Iniuutos ko sa lahat ng aking mga nasasakupan na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang Diyos na buháy, at mananatili magpakailanman. Hindi mawawasak ang kanyang kaharian, at mananatili habang panahon ang kanyang kapangyarihan. Siya ay sumasaklolo at nagliligtas; gumagawa siya ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.”
Daniel 6:26-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Iniuutos ko sa lahat ng tao na nasasakupan ng aking kaharian na matakot at gumalang sa Dios ni Daniel. Sapagkat siya ang buhay na Dios at nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya ay walang hanggan, at walang makakapagbagsak nito. Nagliligtas siya at gumagawa ng mga himala at kababalaghan sa langit at dito sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.”
Daniel 6:26-27 Ang Biblia (TLAB)
Ako'y nagpapasiya, na sa lahat ng sakop ng aking kaharian ay magsipanginig at mangatakot ang mga tao sa harap ng Dios ni Daniel; sapagka't siya ang buhay na Dios, at namamalagi magpakailan man, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba; at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging hanggang sa wakas. Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, at siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.
Daniel 6:26-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Iniuutos ko sa lahat ng aking mga nasasakupan na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang Diyos na buháy, at mananatili magpakailanman. Hindi mawawasak ang kanyang kaharian, at mananatili habang panahon ang kanyang kapangyarihan. Siya ay sumasaklolo at nagliligtas; gumagawa siya ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.”
Daniel 6:26-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)