Mga Taga-Colosas 3:3-4
Mga Taga-Colosas 3:3-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios. Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian.
Mga Taga-Colosas 3:3-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
sapagkat namatay na kayo at ang inyong tunay na buhay ay natatago sa Diyos, kasama ni Cristo. Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.
Mga Taga-Colosas 3:3-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sapagkat namatay na kayo sa dati nʼyong buhay, at ang buhay ninyo ngayon ay nakatago sa Dios kasama ni Cristo. Si Cristo ang buhay ninyo, at kapag dumating na ang panahon na nahayag na siya, mahahayag din kayo at makikibahagi sa kapangyarihan niya at karangalan.
Mga Taga-Colosas 3:3-4 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios. Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian.
Mga Taga-Colosas 3:3-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)