Mga Taga-Colosas 1:19-20
Mga Taga-Colosas 1:19-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sapagkat minabuti ng Dios na ang pagka-Dios niya ay manahan nang lubos kay Cristo, at sa pamamagitan ni Cristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa mundo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa krus.
Mga Taga-Colosas 1:19-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak, at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa, ay makipagkasundo sa kanya; pakikipagkasundo sa pamamagitan ng pag-aalay ng Anak ng kanyang dugo sa krus.
Mga Taga-Colosas 1:19-20 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya; At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.
Mga Taga-Colosas 1:19-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak, at sa pamamagitan ng Anak, niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa, ay makipagkasundo sa kanya; pakikipagkasundo sa pamamagitan ng pag-aalay ng Anak ng kanyang dugo sa krus.
Mga Taga-Colosas 1:19-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)