Amos 9:13-15
Amos 9:13-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon, mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas; at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak. Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak, at masaganang aagos sa mga burol. Ibabalik ko sa kanilang lupain ang aking bayan. Itatayo nilang muli ang kanilang mga lunsod na nawasak, at doon sila maninirahan. Tatamnan nilang muli ang mga ubasan at sila'y iinom ng alak. Magtatanim silang muli sa mga halamanan at kakain ng mga bunga niyon. Ibabalik ko ang Israel sa lupaing ibinigay ko sa kanila, at hindi na sila maaalis pang muli roon.” Si Yahweh na inyong Diyos ang nagsasalita.
Amos 9:13-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi pa ng PANGINOON tungkol sa mga taga-Israel, “Darating ang araw na magiging masagana ang kanilang ani, hindi pa nga nila natatapos ang pag-aani, sinisimulan na naman ang pag-aararo. At hindi pa natatapos ang pagpisa ng ubas, panahon na naman ng pagtatanim nito. Kung titingnan ang napakaraming ubas na namumunga sa mga bundok at burol, para bang dumadaloy ang matamis na bagong katas nito. Pababalikin ko ang mga mamamayan kong Israelita sa kanilang lupain mula sa pagkakabihag. Muli nilang itatayo ang kanilang mga nasirang bayan at doon na sila maninirahan. Magtatanim sila ng ubas at iinom ng katas nito. Magtatanim sila sa kanilang mga halamanan, at kakainin nila ang mga bunga nito. Patitirahin ko silang muli sa lupaing ibinigay ko sa kanila at hindi na muling paaalisin.” Ito nga ang sinabi ng PANGINOON na inyong Dios.
Amos 9:13-15 Ang Biblia (TLAB)
Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw. At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel, at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila'y mangaguubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon. At aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios.
Amos 9:13-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon, mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas; at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak. Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak, at masaganang aagos sa mga burol. Ibabalik ko sa kanilang lupain ang aking bayan. Itatayo nilang muli ang kanilang mga lunsod na nawasak, at doon sila maninirahan. Tatamnan nilang muli ang mga ubasan at sila'y iinom ng alak. Magtatanim silang muli sa mga halamanan at kakain ng mga bunga niyon. Ibabalik ko ang Israel sa lupaing ibinigay ko sa kanila, at hindi na sila maaalis pang muli roon.” Si Yahweh na inyong Diyos ang nagsasalita.
Amos 9:13-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)