Mga Gawa 9:3-9
Mga Gawa 9:3-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Naglakbay si Saulo papuntang Damasco, at nang siya'y malapit na sa lunsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” “Sino kayo, Panginoon?” tanong niya. “Ako'y si Jesus, ang iyong inuusig,” tugon ng tinig sa kanya. “Tumayo ka't pumasok sa lunsod, at doo'y sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Natigilan ang mga kasama ni Saulo nang marinig nila ang tinig ngunit wala naman silang makitang nagsasalita. Tumayo si Saulo at nang dumilat, hindi na siya makakita, kaya't siya'y inakay ng mga kasama niya hanggang sa Damasco. Hindi siya nakakita sa loob ng tatlong araw, hindi rin siya kumain ni uminom.
Mga Gawa 9:3-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damascus, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” Sumagot si Saulo, “Sino po ba kayo?” Sinagot siya ng tinig, “Ako si Jesus na iyong inuusig. Tumayo ka at pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Hindi makapagsalita ang mga kasama ni Saulo. Nakatayo lang sila na natigilan. Nakarinig sila ng boses, pero wala silang nakita. Tumayo si Saulo, pero pagmulat niyaʼy hindi na siya makakita. Kaya inakay na lang siya ng mga kasama niya hanggang sa Damascus. Tatlong araw siyang hindi nakakita, at hindi siya kumain o uminom.
Mga Gawa 9:3-9 Ang Biblia (TLAB)
At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit: At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig: Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin. At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang sinoman. At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco. At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.
Mga Gawa 9:3-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Naglakbay si Saulo papuntang Damasco, at nang siya'y malapit na sa lunsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?” “Sino kayo, Panginoon?” tanong niya. “Ako'y si Jesus, ang iyong inuusig,” tugon ng tinig sa kanya. “Tumayo ka't pumasok sa lunsod, at doo'y sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Natigilan ang mga kasama ni Saulo nang marinig nila ang tinig ngunit wala naman silang makitang nagsasalita. Tumayo si Saulo at nang dumilat, hindi na siya makakita, kaya't siya'y inakay ng mga kasama niya hanggang sa Damasco. Hindi siya nakakita sa loob ng tatlong araw, hindi rin siya kumain ni uminom.
Mga Gawa 9:3-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)