Mga Gawa 9:23-25
Mga Gawa 9:23-25 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkalipas ng ilang araw, nagtipon ang mga Judio at nagplanong patayin si Saulo. Araw-gabi nilang inaabangan si Saulo sa mga pintuan ng lungsod upang patayin. Pero may nakapagsabi kay Saulo tungkol sa plano nila. Kaya isang gabi, isinakay siya ng mga tagasunod niya sa malaking kaing at ibinaba sa labas ng pader ng lungsod.
Mga Gawa 9:23-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkaraan ng maraming araw, nagkaisa ang mga Judio na patayin si Saulo. Araw at gabi ay inaabangan nila si Saulo sa mga pintuang-bayan para patayin, ngunit nalaman niya ito. Kaya't isang gabi, inilagay siya ng kanyang mga alagad sa isang malaking basket at ibinabâ sa kabila ng pader.
Mga Gawa 9:23-25 Ang Biblia (TLAB)
At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin: Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At kanilang binantayan naman ang mga pintuang daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin: Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.
Mga Gawa 9:23-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkaraan ng maraming araw, nagkaisa ang mga Judio na patayin si Saulo. Araw at gabi ay inaabangan nila si Saulo sa mga pintuang-bayan para patayin, ngunit nalaman niya ito. Kaya't isang gabi, inilagay siya ng kanyang mga alagad sa isang malaking basket at ibinabâ sa kabila ng pader.
Mga Gawa 9:23-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin: Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At kanilang binantayan naman ang mga pintuang-daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin: Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.