Mga Gawa 8:34-39
Mga Gawa 8:34-39 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagtanong kay Felipe ang pinuno, “Sabihin mo nga sa akin, sino ba ang tinutukoy dito ng propeta? Sarili ba niya o iba?” Simula sa kasulatang ito ay isinalaysay sa kanya ni Felipe ang Magandang Balita tungkol kay Jesus. Nagpatuloy sila sa paglalakbay, at dumating sa isang lugar na may tubig. Kaya't sinabi ng pinuno, “Tingnan mo, may tubig dito! Hindi pa ba ako maaaring bautismuhan?” Pinatigil ng pinuno ang karwahe, lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe. Pagkaahon nila sa tubig, si Felipe ay kinuha ng Espiritu ng Panginoon at hindi na siya nakita pa ng pinuno. Ang pinuno ay tuwang-tuwang nagpatuloy sa paglalakbay.
Mga Gawa 8:34-39 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Maaari mo bang sabihin sa akin kung sino ang tinutukoy ng propeta, ang kanyang sarili ba o ibang tao?” Kaya simula sa bahaging iyon ng Kasulatan, ipinaliwanag sa kanya ni Felipe ang Magandang Balita tungkol kay Hesus. Habang patuloy silang naglalakbay, nakarating sila sa lugar na may tubig. Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Tingnan mo, may tubig dito! May dahilan pa ba upang hindi ako mabautismuhan?” [ Sumagot si Felipe, “Wala. Maaari kang bautismuhan kung sumasampalataya ka nang buong puso.” Sinabi ng eunuko, “Oo, sumasampalataya ako na si Hesu-Kristo ang Anak ng Diyos.”] Pinahinto ng eunuko ang karwahe. Lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe. Nang umahon sila sa tubig, biglang kinuha si Felipe ng Espiritu ng Panginoon at hindi na siya nakita ng opisyal. Gayunman, masaya itong nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.
Mga Gawa 8:34-39 Ang Biblia (TLAB)
At sumagot ang bating kay Felipe, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyo, kanino sinasabi ng propeta ito? sa kaniya bagang sarili, o sa alin mang iba? At binuka ni Felipe ang kaniyang bibig, at pagpapasimula sa kasulatang ito, ay ipinangaral sa kaniya si Jesus. At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan? At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios. At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya. At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa.
Mga Gawa 8:34-39 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)