Mga Gawa 15:36-40
Mga Gawa 15:36-40 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa mga bayan kung saan tayo nangaral ng salita ng Panginoon at tingnan natin kung ano ang kalagayan nila.” Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos. Ngunit ayaw ni Pablo, sapagkat hindi ito nagpatuloy na sumama sa kanilang gawain, sa halip, ito'y humiwalay sa kanila sa Pamfilia. Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo kaya't naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Cyprus. Isinama naman ni Pablo si Silas at sila'y umalis, matapos ipanalangin ng mga kapatid na ingatan sila ng Panginoon.
Mga Gawa 15:36-40 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Bumalik tayo sa lahat ng bayan kung saan ipinangaral natin ang salita ng Panginoon, at dalawin natin ang ating mga kapatid upang malaman natin ang kalagayan nila.” Sumang-ayon si Bernabe pero gusto niyang isama si Juan na tinatawag ding Marcos. Subalit ayaw pumayag ni Pablo, dahil noong unang nakasama nila si Marcos, iniwan sila nito noon sa Pamfilia. Matindi ang naging pagtatalo nila, kaya naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at pumunta sila sa Cyprus. Isinama naman ni Pablo si Silas. Bago sila umalis, ipinanalangin sila ng mga kapatid na tulungan sila ng Panginoon sa kanilang paglalakbay.
Mga Gawa 15:36-40 Ang Biblia (TLAB)
At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid sa bawa't bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila. At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si Juan, na tinatawag na Marcos. Datapuwa't hindi minagaling ni Pablo na isama nila ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia, at hindi sumama sa kanila sa gawain. At nagkaroon ng pagtatalo, ano pa't sila'y naghiwalay, at isinama ni Bernabe si Marcos, at lumayag sa Chipre: Datapuwa't hinirang ni Pablo si Silas, at yumaon, na sila'y ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon.
Mga Gawa 15:36-40 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa mga bayan kung saan tayo nangaral ng salita ng Panginoon at tingnan natin kung ano ang kalagayan nila.” Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos. Ngunit ayaw ni Pablo, sapagkat hindi ito nagpatuloy na sumama sa kanilang gawain, sa halip, ito'y humiwalay sa kanila sa Pamfilia. Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo kaya't naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Cyprus. Isinama naman ni Pablo si Silas at sila'y umalis, matapos ipanalangin ng mga kapatid na ingatan sila ng Panginoon.
Mga Gawa 15:36-40 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)