Mga Gawa 14:9-10
Mga Gawa 14:8-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa Listra ay may isang lalaking hindi nakakalakad dahil lumpo na ito mula pa nang ito'y isilang. Siya'y nakaupong nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpo ay may pananampalatayang siya'y mapapagaling, tinitigan niya ang lumpo at malakas na sinabi, “Tumayo ka!” Lumukso ang lalaki at nagsimulang lumakad.
Mga Gawa 14:9-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nakinig siya sa mga mensahe ni Pablo. Tinitigan ni Pablo ang lumpo at nakita niyang may pananampalataya ito na gagaling siya. Kaya malakas niyang sinabi, “Tumayo ka!” Biglang tumayo ang lalaki at naglakad-lakad.
Mga Gawa 14:9-10 Ang Biblia (TLAB)
Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya upang mapagaling, Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. At siya'y lumukso at lumakad.
Mga Gawa 14:8-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)