Mga Gawa 1:23-26
Mga Gawa 1:23-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't pumili sila ng dalawang lalaki, si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas, na kilala rin sa pangalang Justo. Pagkatapos, sila'y nanalangin, “Panginoon, alam ninyo kung ano ang nasa puso ng lahat ng tao. Ipakita po ninyo sa amin kung sino sa dalawang ito ang inyong pinili upang maging apostol na gaganap sa tungkuling tinalikdan ni Judas nang siya'y pumunta sa lugar na nararapat sa kanya.” Nagpalabunutan sila at si Matias ang napili. Kaya't siya ang nadagdag sa labing-isang apostol.
Mga Gawa 1:23-26 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya dalawang lalaki ang kanilang pinagpilian: si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas (o Justus). At bago sila pumili, nanalangin sila, “Panginoon, ikaw ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao. Kaya ipaalam nʼyo sa amin kung sino sa dalawang ito ang pipiliin nʼyo na maging apostol bilang kapalit ni Judas. Sapagkat tinalikuran ni Judas ang kanyang gawain bilang isang apostol, at pumunta siya sa lugar na nararapat sa kanya.” Pagkatapos nilang manalangin, nagpalabunutan sila. At ang nabunot nila ay si Matias. Kaya si Matias ang idinagdag sa 11 apostol.
Mga Gawa 1:23-26 Ang Biblia (TLAB)
At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias. At sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang, Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon sa kaniyang sariling kalalagyan. At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol.
Mga Gawa 1:23-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't pumili sila ng dalawang lalaki, si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas, na kilala rin sa pangalang Justo. Pagkatapos, sila'y nanalangin, “Panginoon, alam ninyo kung ano ang nasa puso ng lahat ng tao. Ipakita po ninyo sa amin kung sino sa dalawang ito ang inyong pinili upang maging apostol na gaganap sa tungkuling tinalikdan ni Judas nang siya'y pumunta sa lugar na nararapat sa kanya.” Nagpalabunutan sila at si Matias ang napili. Kaya't siya ang nadagdag sa labing-isang apostol.
Mga Gawa 1:23-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)