3 Juan 1:1-3
3 Juan 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan. Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa. Sapagka't ako'y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.
3 Juan 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya— Para kay Gayo na lubos kong minamahal. Mahal kong Gayo, idinadalangin kong ikaw sana'y nasa mabuting kalagayan at malusog ang katawan, tulad ng iyong buhay espirituwal na alam kong nasa mabuting kalagayan. Tuwang-tuwa ako nang dumating ang ilang kapatid at ibalitang ikaw ay tapat sa katotohanan at talagang namumuhay ayon dito.
3 Juan 1:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula sa namumuno sa iglesya. Mahal na kaibigang Gaius, na lubos kong minamahal: Idinadalangin ko na maging malusog ka at sanaʼy nasa mabuting kalagayan, tulad ng buhay mong espiritwal na alam kong nasa mabuti ring kalagayan. Labis akong natuwa nang dumating dito ang ilang mga kapatid at ibinalita sa akin na naging tapat ka sa katotohanan at namumuhay ayon dito.
3 Juan 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan. Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa. Sapagka't ako'y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.
3 Juan 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)