2 Timoteo 2:11-13
2 Timoteo 2:11-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Totoo ang kasabihang ito: “Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito, maghahari din tayong kapiling niya. Kapag siya'y ating ikinahiya, ikakahiya rin niya tayo. Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”
2 Timoteo 2:11-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Totoo ang kasabihang, “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya. Kung itatakwil natin siya, itatakwil din niya tayo. Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”
2 Timoteo 2:11-13 Ang Biblia (TLAB)
Tapat ang pasabi: Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya: Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo: Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
2 Timoteo 2:11-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Totoo ang kasabihang ito: “Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito, maghahari din tayong kapiling niya. Kapag siya'y ating ikinahiya, ikakahiya rin niya tayo. Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”
2 Timoteo 2:11-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)