2 Timoteo 2:1-13
2 Timoteo 2:1-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ni Cristo Jesus. Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba. Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno. Ang isang manlalaro ay hindi maaaring manalo kung hindi sumusunod sa mga alituntunin ng laro. Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat munang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan. Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito. Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang Magandang Balitang ipinapangaral ko, at siya ring dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo na parang isang kriminal. Subalit hindi kailanman maibibilanggo ang salita ng Diyos. Pinapagtiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng kaligtasan at walang hanggang buhay na mula kay Cristo Jesus. Totoo ang kasabihang ito: “Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito, maghahari din tayong kapiling niya. Kapag siya'y ating ikinahiya, ikakahiya rin niya tayo. Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”
2 Timoteo 2:1-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya ikaw Timoteo, bilang anak ko sa pananampalataya, magpakatatag ka sa tulong ni Cristo Jesus. Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi. Makibahagi ka sa mga paghihirap bilang isang mabuting sundalo ni Cristo Jesus. Dapat katulad ka ng isang sundalong nasa serbisyo; hindi siya nakikisangkot sa iba pang gawain para mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang opisyal. Ganoon din naman, dapat katulad ka ng manlalaro; hindi siya makakakuha ng premyo kung hindi siya sumusunod sa tuntunin ng laro. At dapat katulad ka rin ng masipag na magsasaka; hindi baʼt siya ang unang karapat-dapat na tumanggap ng bahagi sa ani? Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo, at ipapaunawa sa iyo ng Dios ang lahat ng ito. Alalahanin mo ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, na nabuhay mula sa mga patay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko na siyang dahilan ng paghihirap ko hanggang sa ikadena ako na parang isang kriminal. Pero hindi nakakadenahan ang salita ng Dios. Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Dios, para makamtan din nila ang kaligtasang nakay Cristo Jesus at ang buhay na walang hanggan. Totoo ang kasabihang, “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya. Kung itatakwil natin siya, itatakwil din niya tayo. Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”
2 Timoteo 2:1-13 Ang Biblia (TLAB)
Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus. At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba. Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus. Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal. At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid. Ang magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga. Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay. Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio: Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan. Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan. Tapat ang pasabi: Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya: Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo: Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
2 Timoteo 2:1-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ni Cristo Jesus. Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba. Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno. Ang isang manlalaro ay hindi maaaring manalo kung hindi sumusunod sa mga alituntunin ng laro. Ang magsasakang nagtatrabahong mabuti ang siyang dapat munang makinabang sa bunga ng kanyang pinaghirapan. Isipin mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito. Alalahanin mo si Jesu-Cristo, ang muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang Magandang Balitang ipinapangaral ko, at siya ring dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo na parang isang kriminal. Subalit hindi kailanman maibibilanggo ang salita ng Diyos. Pinapagtiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magkaroon sila ng kaligtasan at walang hanggang buhay na mula kay Cristo Jesus. Totoo ang kasabihang ito: “Kung tayo'y namatay na kasama ni Jesu-Cristo, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito, maghahari din tayong kapiling niya. Kapag siya'y ating ikinahiya, ikakahiya rin niya tayo. Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”
2 Timoteo 2:1-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)