2 Mga Taga-Tesalonica 3:16-18
2 Mga Taga-Tesalonica 3:16-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng paraan at pagkakataon. Nawa'y sumainyong lahat ang Panginoon. Akong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito. Ito ang aking lagda sa lahat ng sulat ko. Ganito ako sumulat. Sumainyo nawang lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
2 Mga Taga-Tesalonica 3:16-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nawaʼy ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon, maging anuman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon. Akong si Pablo ang mismong sumusulat ng pagbating ito: Binabati ko kayong lahat. Ganito ang ginagamit kong paraan sa lahat ng sulat ko para malaman nʼyo na ako nga ang sumulat. Pagpalain nawa kayong lahat ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
2 Mga Taga-Tesalonica 3:16-18 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon ang Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat. Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo, na siyang tanda sa bawa't sulat: gayon sumusulat ako. Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat.
2 Mga Taga-Tesalonica 3:16-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng paraan at pagkakataon. Nawa'y sumainyong lahat ang Panginoon. Akong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito. Ito ang aking lagda sa lahat ng sulat ko. Ganito ako sumulat. Sumainyo nawang lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
2 Mga Taga-Tesalonica 3:16-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)