Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Tesalonica 2:1-9

2 Mga Taga-Tesalonica 2:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo na huwag agad magúgulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na tiyak na mapapahamak. Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos. Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama pa ninyo. Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa, at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang panahon. Ngayon pa man ay palihim na siyang gumagawa ng kasamaan at mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung maalis na ang humahadlang, mahahayag na ang Suwail. Ngunit pagdating ng Panginoong Jesus, papatayin niya ang Suwail sa pamamagitan lamang ng pag-ihip at pupuksain niya ito sa pamamagitan ng kanyang nakakasilaw na liwanag. Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan.

2 Mga Taga-Tesalonica 2:1-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo at kung paanong tayoʼy titipunin upang katagpuin siya, hinihiling namin, mga kapatid, na huwag kayong mag-alala o mabahala dahil sa mga taong nagsasabing dumating na ang araw ng Panginoon. Huwag kayong maniwala kahit sabihin pa nilang sinabi ito ng Espiritu sa kanila, nabalitaan, o nabasa man sa isang sulat na galing daw sa amin. Huwag kayong magpalinlang sa kanila sa anumang paraan. Sapagkat hindi darating ang araw ng pagbabalik ng Panginoon hanggaʼt hindi pa nagsisimula ang huling paghihimagsik ng mga tao sa Diyos, at hindi pa lumilitaw ang suwail na tao na itinalaga sa walang hanggang kapahamakan. Kakalabanin niya ang lahat ng sinasamba at itinuturing na diyos ng mga tao, at itataas ang sarili sa lahat ng mga ito. Uupo siya sa loob ng Templo ng Diyos at itatanghal ang sarili bilang Diyos. Hindi nʼyo ba natatandaan na binabanggit ko na ang mga bagay na ito sa inyo noong kasama nʼyo pa ako? At alam ninyo kung anoʼng pumipigil sa kanya, upang sa takdang panahon ay lilitaw siya. Kahit ngayon, palihim nang kumikilos ang kasamaan ng taong ito, at nananatiling palihim hanggaʼt hindi pa inaalis ang pumipigil sa kanya. Pagkatapos maalis ang pumipigil, lilitaw na siya. Ngunit sa pagdating ng Panginoong Hesus, papatayin niya ang suwail na taong ito sa pamamagitan lang ng isang hinga niya. Darating ang suwail na tao na taglay ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng nakalilinlang na himala, tanda at kababalaghan.

2 Mga Taga-Tesalonica 2:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)