2 Samuel 6:14-16
2 Samuel 6:14-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Isinuot ni David ang isang linong efod, at nagsasayaw siya sa harapan ni Yahweh. Habang lumalakad ang mga Israelita, nagsisigawan sila sa tuwa at hinihipan ang mga trumpeta. Nang sila'y papasok na ng lunsod, si David ay naglululundag at nagsasayaw. Nang siya'y madungawan ni Mical na anak ni Saul, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni David.
2 Samuel 6:14-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
At sumayaw si David nang buong sigla sa presensya ng PANGINOON na nakasuot ng espesyal na damit na gawa sa telang linen. Habang dinadala ni David at ng mga Israelita ang Kahon ng Kasunduan ng PANGINOON, nagsisigawan sila at umiihip ng trumpeta. Nang papasok na ng lungsod ang Kahon ng PANGINOON, dumungaw sa bintana si Mical na anak ni Saul. Nakita niyang nagtatatalon at nagsasasayaw si Haring David sa presensya ng PANGINOON, at ikinahiya niya ang ginawa nito.
2 Samuel 6:14-16 Ang Biblia (TLAB)
At nagsayaw si David ng kaniyang buong lakas sa harap ng Panginoon; at si David ay nabibigkisan ng isang epod na lino. Sa gayo'y iniahon ni David at ng buong sangbahayan ng Israel ang kaban ng Panginoon, na may hiyawan, at may tunog ng pakakak. At nagkagayon, sa pagpapasok ng kaban ng Panginoon sa bayan ni David, na si Michal na anak ni Saul ay tumitingin sa dungawan, at nakita na ang haring si David ay naglulukso at nagsasayaw sa harap ng Panginoon; at kaniyang niwalan ng kabuluhan siya sa kaniyang puso.
2 Samuel 6:14-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Isinuot ni David ang isang linong efod, at nagsasayaw siya sa harapan ni Yahweh. Habang lumalakad ang mga Israelita, nagsisigawan sila sa tuwa at hinihipan ang mga trumpeta. Nang sila'y papasok na ng lunsod, si David ay naglululundag at nagsasayaw. Nang siya'y madungawan ni Mical na anak ni Saul, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni David.
2 Samuel 6:14-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)