2 Samuel 12:9-14
2 Samuel 12:9-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bakit mo hinamak ang salita ni Yahweh at gumawa ka ng masama sa kanyang paningin? Ipinapatay mo ang Heteong si Urias sa mga Ammonita at kinuha mo pa ang kanyang asawa. Dahil sa ginawa mong ito, at ako'y itinakwil mo, tandaan mong laging may mamamatay sa patalim sa iyong sambahayan.’ Sinabi pa rin ni Yahweh, ‘Pag-aawayin ko ang iyong sambahayan; sa harapan mo'y ibibigay ko sa iba ang iyong mga asawa, at sisipingan sila kahit sa katanghaliang-tapat. Ginawa mo ito nang lihim, hayag kitang paparusahan at makikita ito ng buong Israel.’” Sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako kay Yahweh.” Sumagot si Natan, “Pinapatawad ka na ni Yahweh at hindi ka mamamatay. Ngunit dahil nilapastangan mo si Yahweh, ang magiging anak mo ang mamamatay.”
2 Samuel 12:9-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pero bakit hindi mo sinunod ang mga utos ko, at ginawa mo ang masamang bagay na ito sa paningin ko? Ipinapatay mo pa si Uria na Heteo sa labanan; ipinapatay mo siya sa mga Ammonita, at kinuha mo ang asawa niya. Kaya dahil sa ginawa mo, mula ngayon, palagi nang magkakaroon ng labanan at patayan sa pamilya mo, dahil sinuway mo ako at kinuha ang asawa ni Uria upang maging iyong asawa.’ “Ito pa ang sinasabi ng PANGINOON: May isang miyembro ng sambahayan mo ang maghihimagsik laban sa iyo. Ibibigay ko ang mga asawa mo sa taong iyon na hindi iba sa iyo at sisiping siya sa kanila na kitang-kita ng mga tao. Ginawa mo ito nang lihim pero ang gagawin koʼy makikita nang hayagan ng buong Israel.” Sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako sa PANGINOON.” Sumagot si Natan, “Pinatawad ka na ng PANGINOON at hindi ka mamamatay sa kasalanang ginawa mo. Pero dahil sa ginawa mo, binigyan mo ng dahilan ang mga kalaban ng PANGINOON na lapastanganin siya kaya siguradong mamamatay ang anak mo.”
2 Samuel 12:9-14 Ang Biblia (TLAB)
Bakit nga iyong niwalang kabuluhan ang salita ng Panginoon, na iyong ginawa ang masama sa kaniyang paningin? iyong sinugatan ng tabak si Uria na Hetheo, at iyong kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong asawa, at iyong pinatay siya ng tabak ng mga anak ni Ammon. Ngayon nga'y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sangbahayan; sapagka't iyong niwalan ng kabuluhan ako, at iyong kinuha ang asawa ni Uria na Hetheo upang maging iyong asawa. Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magtitindig ng kasamaan laban sa iyo na mula sa iyong sariling sangbahayan, at aking kukunin ang iyong mga asawa sa harap ng iyong mga mata, at aking ipagbibigay sa iyong kapuwa, at kaniyang sisipingan ang iyong mga asawa sa sikat ng araw na ito. Sapagka't iyong ginawa na lihim: nguni't aking gagawin ang bagay na ito sa harap ng buong Israel, at sa harap ng araw. At sinabi ni David kay Nathan, Ako'y nagkasala laban sa Panginoon. At sinabi ni Nathan kay David, Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan; hindi ka mamamatay. Gayon ma'y sapagka't sa gawang ito'y iyong binigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon upang magsipanungayaw, ang bata naman na ipinanganak sa iyo ay walang pagsalang mamamatay.
2 Samuel 12:9-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bakit mo hinamak ang salita ni Yahweh at gumawa ka ng masama sa kanyang paningin? Ipinapatay mo ang Heteong si Urias sa mga Ammonita at kinuha mo pa ang kanyang asawa. Dahil sa ginawa mong ito, at ako'y itinakwil mo, tandaan mong laging may mamamatay sa patalim sa iyong sambahayan.’ Sinabi pa rin ni Yahweh, ‘Pag-aawayin ko ang iyong sambahayan; sa harapan mo'y ibibigay ko sa iba ang iyong mga asawa, at sisipingan sila kahit sa katanghaliang-tapat. Ginawa mo ito nang lihim, hayag kitang paparusahan at makikita ito ng buong Israel.’” Sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako kay Yahweh.” Sumagot si Natan, “Pinapatawad ka na ni Yahweh at hindi ka mamamatay. Ngunit dahil nilapastangan mo si Yahweh, ang magiging anak mo ang mamamatay.”
2 Samuel 12:9-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)