2 Samuel 1:11-12
2 Samuel 1:11-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang marinig ito, pinunit ni David ang kanyang kasuotan; gayundin ang ginawa ng mga kasamahan niya. Tumangis sila, nag-ayuno at nagluksa hanggang gabi, sapagkat si Saul, ang anak nitong si Jonatan, at ang iba pang lingkod ni Yahweh sa bansang Israel ay nasawi sa labanan.
2 Samuel 1:11-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang marinig ito ni David at ng mga tauhan niya, pinunit nila ang kanilang mga damit bilang pagluluksa. Umiyak at nag-ayuno sila hanggang gabi para kay Saul at sa anak nitong si Jonatan, at para sa mga mamamayan ng PANGINOON, ang bayan ng Israel, dahil marami ang namatay sa digmaan.
2 Samuel 1:11-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y tinangnan ni David ang kaniyang mga suot at pinaghapak; at gayon din ang ginawa ng lahat na lalake na kasama niya: At sila'y tumangis, at umiyak, at nagayuno hanggang sa paglubog ng araw, dahil kay Saul, at dahil kay Jonathan na kaniyang anak, at dahil sa bayan ng Panginoon, at dahil sa sangbahayan ng Israel; sapagka't sila'y nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.
2 Samuel 1:11-12 Ang Biblia (TLAB)

2 Samuel 1:11-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)