2 Mga Hari 4:16
2 Mga Hari 4:16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Isang taon mula ngayon ay mayroon ka nang anak na lalaking kakalungin.” Sinabi ng babae, “Mahal na lingkod ng Diyos, huwag na po ninyo akong paasahin.”
2 Mga Hari 4:16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ni Eliseo sa kanya, “Sa susunod na taon, sa ganito ring panahon, may kinakalong ka nang anak na lalaki.” Sumagot ang babae, “Huwag naman po sana ninyo akong paasahin. Lingkod po kayo ng Dios.”
2 Mga Hari 4:16 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang sinabi, Sa panahong ito, pagpihit ng panahon, ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake. At kaniyang sinabi, Hindi panginoon ko, ikaw na lalake ng Dios huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod.