2 Juan 1:1-3
2 Juan 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya— Para sa minamahal na Ginang at sa kanyang mga anak, na tunay kong minamahal. Hindi lamang ako kundi ang lahat ng nakakaalam ng katotohanan ay nagmamahal sa inyo, sapagkat ang katotohanan ay nasa atin ngayon at magpakailanman. Sa pamamagitan ng katotohanan at pag-ibig, ipagkaloob nawa sa atin ng Diyos Ama at ni Jesu-Cristo na Anak niya, ang pagpapala, habag, at kapayapaan.
2 Juan 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak, na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan; Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man: Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.
2 Juan 1:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula sa namumuno sa iglesya. Mahal kong Ginang na pinili ng Dios, kasama ng iyong mga anak. Minamahal ko kayong tunay, at hindi lang ako kundi ang lahat ng nakakakilala sa katotohanan. Minamahal namin kayo dahil sa katotohanang nasa atin at mananatili sa atin magpakailanman. Manatili sana sa atin ang biyaya, awa, at kapayapaang galing sa Dios Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo na kanyang Anak, habang namumuhay tayo sa katotohanan at pag-ibig.
2 Juan 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak, na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan; Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man: Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.
2 Juan 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)