2 Juan 1:1-13
2 Juan 1:1-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya— Para sa minamahal na Ginang at sa kanyang mga anak, na tunay kong minamahal. Hindi lamang ako kundi ang lahat ng nakakaalam ng katotohanan ay nagmamahal sa inyo, sapagkat ang katotohanan ay nasa atin ngayon at magpakailanman. Sa pamamagitan ng katotohanan at pag-ibig, ipagkaloob nawa sa atin ng Diyos Ama at ni Jesu-Cristo na Anak niya, ang pagpapala, habag, at kapayapaan. Labis kong ikinagagalak na makitang ang ilan sa iyong mga anak ay namumuhay ayon sa katotohanan, alinsunod sa utos ng Ama sa atin. At ngayon, minamahal na Ginang, hinihiling ko sa iyo na mag-ibigan tayong lahat. Hindi ito bagong utos kundi isang dating utos na sa simula pa'y nasa atin na. Ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay tayo nang ayon sa mga kalooban ng Diyos. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala. Ang hindi sumusunod sa katuruan ni Cristo, kundi nagdaragdag pa dito, ay hindi nagpapasakop sa Diyos. Ang sinumang nananatili sa katuruan ni Cristo ay nagpapasakop sa Ama at sa Anak. Huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay ni batiin ang sinumang dumating sa inyo na may dalang katuruang laban kay Cristo, sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kasama niya sa masamang gawain. Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi ko na binanggit sa sulat na ito. Sa halip, ako'y umaasang makakapunta diyan at makakausap kayo nang personal upang malubos ang ating kagalakan. Kinukumusta ka ng mga anak ng iyong minamahal na kapatid na babae.
2 Juan 1:1-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula sa namumuno sa iglesya. Mahal kong Ginang na pinili ng Dios, kasama ng iyong mga anak. Minamahal ko kayong tunay, at hindi lang ako kundi ang lahat ng nakakakilala sa katotohanan. Minamahal namin kayo dahil sa katotohanang nasa atin at mananatili sa atin magpakailanman. Manatili sana sa atin ang biyaya, awa, at kapayapaang galing sa Dios Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo na kanyang Anak, habang namumuhay tayo sa katotohanan at pag-ibig. Labis ang kagalakan ko nang malaman ko na ang ilan sa mga anak mo ay sumusunod sa katotohanan, ayon sa iniutos sa atin ng Dios Ama. Kaya Ginang, hinihiling ko sa iyo ngayon na magmahalan tayong lahat. Hindi ito isang panibagong utos kundi ito rin ang utos na ibinigay sa atin noong una tayong sumampalataya. Makikita ang pag-ibig sa atin kung namumuhay tayo ayon sa mga utos ng Dios. At ang utos niya na narinig ninyo mula nang sumampalataya kayo ay ito: mamuhay tayo nang may pag-ibig. Mahalaga ito, dahil marami nang nagkalat na manlilinlang sa mundo. Ito ang mga taong hindi kumikilala na si Jesu-Cristo ay naging tao. Silaʼy mga manlilinlang at anti-Cristo. Mag-ingat kayo at nang hindi mawala ang inyong pinaghirapan, sa halip ay matanggap ninyo ang buong gantimpala. Ang sinumang hindi sumusunod sa aral ni Cristo o nagtuturo pa ng labis dito ay hindi pinananahanan ng Dios. Ngunit ang sinumang sumusunod sa aral ni Cristo ay pinananahanan ng Ama at ng Anak. Kung may dumating man sa inyo na iba ang ipinangangaral tungkol kay Cristo, huwag nʼyo siyang tanggapin sa inyong tahanan, ni huwag nʼyo siyang batiin nang may pagpapala. Sapagkat ang sinumang bumati sa kanya ng ganoon ay nakikibahagi sa masasama niyang gawain. Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi ko na lang isusulat. Sapagkat umaasa akong makakadalaw ako riyan at makakausap kayo nang personal, upang malubos ang ating kagalakan. Kinukumusta ka ng mga anak ng kapatid mong babae, na tulad moʼy isa rin sa mga pinili ng Dios.
2 Juan 1:1-13 Ang Biblia (TLAB)
Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak, na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan; Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man: Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig. Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama. At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa. At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula. Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo. Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan. Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak. Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin: Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa. Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo, ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta; datapuwa't inaasahan kong pumariyan sa inyo, at makipagusap ng mukhaan, upang malubos ang inyong galak. Ang mga anak ng iyong hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo.
2 Juan 1:1-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula sa isang Matandang pinuno ng iglesya— Para sa minamahal na Ginang at sa kanyang mga anak, na tunay kong minamahal. Hindi lamang ako kundi ang lahat ng nakakaalam ng katotohanan ay nagmamahal sa inyo, sapagkat ang katotohanan ay nasa atin ngayon at magpakailanman. Sa pamamagitan ng katotohanan at pag-ibig, ipagkaloob nawa sa atin ng Diyos Ama at ni Jesu-Cristo na Anak niya, ang pagpapala, habag, at kapayapaan. Labis kong ikinagagalak na makitang ang ilan sa iyong mga anak ay namumuhay ayon sa katotohanan, alinsunod sa utos ng Ama sa atin. At ngayon, minamahal na Ginang, hinihiling ko sa iyo na mag-ibigan tayong lahat. Hindi ito bagong utos kundi isang dating utos na sa simula pa'y nasa atin na. Ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay tayo nang ayon sa mga kalooban ng Diyos. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala. Ang hindi sumusunod sa katuruan ni Cristo, kundi nagdaragdag pa dito, ay hindi nagpapasakop sa Diyos. Ang sinumang nananatili sa katuruan ni Cristo ay nagpapasakop sa Ama at sa Anak. Huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay ni batiin ang sinumang dumating sa inyo na may dalang katuruang laban kay Cristo, sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kasama niya sa masamang gawain. Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi ko na binanggit sa sulat na ito. Sa halip, ako'y umaasang makakapunta diyan at makakausap kayo nang personal upang malubos ang ating kagalakan. Kinukumusta ka ng mga anak ng iyong minamahal na kapatid na babae.
2 Juan 1:1-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)