2 Mga Taga-Corinto 5:1
2 Mga Taga-Corinto 5:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Alam nating kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, na tumutukoy sa ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao.
2 Mga Taga-Corinto 5:1 Ang Salita ng Dios (ASND)
Alam natin na ang ating katawang panlupa ay parang bahay na ating tinutuluyan habang nasa mundo pa tayo, at itoʼy masisira. Ngunit alam din natin na may inihandang katawang panlangit ang Dios para sa atin na hindi mamamatay kailanman. Ang katawang ito ay ginawa ng Dios at hindi ng tao.
2 Mga Taga-Corinto 5:1 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan.
2 Mga Taga-Corinto 5:1 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)