Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 3:3-18

2 Mga Taga-Corinto 3:3-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buháy, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman. At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo: Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios; Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay. Nguni't kung ang pangangasiwa ng kamatayan, na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas: Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu? Sapagka't kung ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian ang pangasiwang ukol sa katuwiran. Sapagka't katotohanang ang pinaluwalhati ay hindi pinaluwalhati sa bagay na ito, ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana. Sapagka't kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian. Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita, At hindi gaya ni Moises, na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa katapusan niyaong lumilipas: Datapuwa't ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, pagka binabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo. Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso. Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong. Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.

2 Mga Taga-Corinto 3:3-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Maliwanag na kayo ang sulat ni Cristo, ang sulat na ipinadala niya sa pamamagitan namin, hindi nakasulat sa pamamagitan ng tinta, kundi isinulat ng Espiritu ng Diyos na buháy, at hindi sa mga tapyas na bato kundi sa puso ng mga tao. Nasasabi namin ito dahil kami ay may pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming kakayahang gawin ito; subalit ang aming kakayahan ay kaloob ng Diyos. Binigyan niya kami ng kakayahang maging lingkod ng bagong tipan, isang kasunduang hindi nababatay sa kautusang nakasulat kundi sa Espiritu. Sapagkat ang kautusang nakasulat ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu'y nagbibigay-buhay. Nang ibigay ang Kautusang nakaukit sa mga tapyas ng bato, nahayag ang kaluwalhatian ng Diyos, kaya nga hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises kahit na ang liwanag na iyon sa mukha niya ay pansamantala lamang. Kung ang paglilingkod na batay sa Kautusang nakaukit sa bato, at nagdadala ng kamatayan, ay dumating na may kalakip na gayong kaluwalhatian, gaano pa kaya ang kaluwalhatian ng paglilingkod ayon sa Espiritu? Kung may kaluwalhatian ang paglilingkod na nagdudulot ng hatol na kamatayan, lalo pang maluwalhati ang paglilingkod na nagdudulot ng pagpapawalang-sala. Dahil dito, masasabi nating ang dating kaluwalhatian ay wala na, sapagkat napalitan na ito ng higit na maluwalhati. Kung may kaluwalhatian ang lumilipas, lalong higit ang kaluwalhatian ng nananatili magpakailanman. Dahil sa pag-asa naming iyan, malakas ang aming loob. Hindi kami tulad ni Moises na nagtalukbong ng mukha para hindi makita ng mga Israelita ang paglipas ng kaluwalhatiang iyon. Ngunit naging matigas ang kanilang ulo kaya't hanggang ngayo'y nananatili ang talukbong na iyon habang binabasa nila ang lumang tipan. Maaalis lamang ang talukbong na iyon sa pakikipag-isa kay Cristo. Hanggang ngayon, may talukbong pa ang kanilang isip tuwing babasahin nila ang mga aklat ni Moises. Ngunit kapag lumapit ang tao sa Panginoon, naaalis ang talukbong. Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at ang Espiritu ng Panginoon ang nagbibigay sa atin ng kalayaan. At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya.

2 Mga Taga-Corinto 3:3-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

Malinaw na ang buhay ninyo ay parang isang sulat mula kay Cristo na isinulat sa pamamagitan namin. At hindi tinta ang ginamit sa sulat na ito kundi ang Espiritu ng Dios na buhay. At hindi rin ito isinulat sa malapad na mga bato, kundi sa puso ng mga tao. Nasasabi namin ang mga ito dahil sa mga ginagawa ni Cristo sa pamamagitan namin at dahil sa aming pagtitiwala sa Dios. Kung sa aming sarili lamang, wala kaming sapat na kakayahang gawin ito. Lahat ng aming kakayahan ay mula sa Dios. Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahan para maipahayag namin ang kanyang bagong pamamaraan para mailapit ang mga tao sa kanya. At ang bagong pamamaraan na ito ay hindi ayon sa isinulat na Kautusan kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay. Noong ibinigay ng Dios kay Moises ang Kautusan na nakasulat sa malapad na mga bato, hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises dahil nasisilaw sila. Ngunit ang ningning na iyon sa kanyang mukha ay unti-unti ring nawala. Ngayon, kung nagpakita ang Dios ng kanyang kapangyarihan sa Kautusan na nagdudulot ng kamatayan, higit pa ang ipapakita niyang kapangyarihan kung kikilos na ang Espiritu. Kung nagpakita ang Dios ng kapangyarihan niya sa pamamagitan ng Kautusan na nagdudulot ng hatol na kamatayan, higit pa ang ipapakita niyang kapangyarihan sa pagpapawalang-sala sa mga tao. Ang totoo, balewala ang kapangyarihan ng Kautusan kung ihahambing sa kapangyarihan ng bagong pamamaraan ng Dios. Kung may kapangyarihang ipinakita ang Dios sa pamamagitan ng Kautusan na lumilipas, higit pa ang kapangyarihang ipinapakita niya sa bagong pamamaraang ito na nananatili magpakailanman. At dahil sa pag-asa naming ito, malakas ang aming loob na ipahayag ang salita ng Dios. Hindi kami tulad ni Moises na nagtakip ng mukha para hindi makita ng mga Israelita ang liwanag sa kanyang mukha na unti-unting nawawala. Ang totoo, hindi naintindihan ng mga Israelita ang kahulugan nito noon dahil may nakatakip sa kanilang isipan. At kahit ngayon, may nakatakip pa rin sa kanilang isipan habang binabasa nila ang dating kasunduan. At maaalis lamang ito kapag ang isang taoʼy nakay Cristo. Totoong hanggang ngayon ay may nakatakip sa kanilang isipan habang binabasa nila ang mga isinulat ni Moises. Ngunit kung lalapit ang tao sa Panginoon, maaalis ang takip sa kanyang isipan. Ngayon, ang binabanggit ditong Panginoon ay ang Banal na Espiritu, at kung ang Espiritu ng Panginoon ay nasa isang tao, malaya na siya. At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Banal na Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya.

2 Mga Taga-Corinto 3:3-18 Ang Biblia (TLAB)

Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman. At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo: Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios; Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay. Nguni't kung ang pangangasiwa ng kamatayan, na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas: Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu? Sapagka't kung ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian ang pangasiwang ukol sa katuwiran. Sapagka't katotohanang ang pinaluwalhati ay hindi pinaluwalhati sa bagay na ito, ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana. Sapagka't kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian. Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita, At hindi gaya ni Moises, na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa katapusan niyaong lumilipas: Datapuwa't ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, pagka binabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo. Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso. Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong. Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.

2 Mga Taga-Corinto 3:3-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)