2 Mga Taga-Corinto 3:3
2 Mga Taga-Corinto 3:3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Maliwanag na kayo ang sulat ni Cristo, ang sulat na ipinadala niya sa pamamagitan namin, hindi nakasulat sa pamamagitan ng tinta, kundi isinulat ng Espiritu ng Diyos na buháy, at hindi sa mga tapyas na bato kundi sa puso ng mga tao.
2 Mga Taga-Corinto 3:3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Malinaw na ang buhay ninyo ay parang isang sulat mula kay Cristo na isinulat sa pamamagitan namin. At hindi tinta ang ginamit sa sulat na ito kundi ang Espiritu ng Dios na buhay. At hindi rin ito isinulat sa malapad na mga bato, kundi sa puso ng mga tao.
2 Mga Taga-Corinto 3:3 Ang Biblia (TLAB)
Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman.
2 Mga Taga-Corinto 3:3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)