2 Mga Taga-Corinto 3:16-18
2 Mga Taga-Corinto 3:16-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong. Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.
2 Mga Taga-Corinto 3:16-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit kapag lumapit ang tao sa Panginoon, naaalis ang talukbong. Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at ang Espiritu ng Panginoon ang nagbibigay sa atin ng kalayaan. At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya.
2 Mga Taga-Corinto 3:16-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit kung lalapit ang tao sa Panginoon, maaalis ang takip sa kanyang isipan. Ngayon, ang binabanggit ditong Panginoon ay ang Banal na Espiritu, at kung ang Espiritu ng Panginoon ay nasa isang tao, malaya na siya. At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Banal na Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya.
2 Mga Taga-Corinto 3:16-18 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong. Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.
2 Mga Taga-Corinto 3:16-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)