2 Mga Taga-Corinto 3:16-17
2 Mga Taga-Corinto 3:16-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit kung lalapit ang tao sa Panginoon, maaalis ang takip sa kanyang isipan. Ngayon, ang binabanggit ditong Panginoon ay ang Banal na Espiritu, at kung ang Espiritu ng Panginoon ay nasa isang tao, malaya na siya.
2 Mga Taga-Corinto 3:16-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong. Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan.
2 Mga Taga-Corinto 3:16-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit kapag lumapit ang tao sa Panginoon, naaalis ang talukbong. Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at ang Espiritu ng Panginoon ang nagbibigay sa atin ng kalayaan.
2 Mga Taga-Corinto 3:16-17 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong. Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan.