2 Mga Taga-Corinto 2:10-11
2 Mga Taga-Corinto 2:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man akong dapat patawarin, ay pinatawad ko na sa harapan ni Cristo alang-alang sa inyo, upang hindi tayo malinlang ni Satanas at hindi naman lingid sa atin ang gusto niyang mangyari.
2 Mga Taga-Corinto 2:10-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kung pinatawad na ninyo ang taong nagkasala, pinatawad ko na rin siya. At kung nagpatawad man ako, saksi si Cristo na ginawa ko iyon alang-alang sa inyo. Nararapat lamang na magpatawad tayo para hindi tayo madaig ni Satanas. Alam naman natin ang mga binabalak niyang masama.
2 Mga Taga-Corinto 2:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't ang inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman: sapagka't ang aking ipinatawad naman, kung ako'y nagpapatawad ng anoman, ay dahil sa inyo, sa harapan ni Cristo; Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka't kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang.
2 Mga Taga-Corinto 2:10-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man akong dapat patawarin, ay pinatawad ko na sa harapan ni Cristo alang-alang sa inyo, upang hindi tayo malinlang ni Satanas at hindi naman lingid sa atin ang gusto niyang mangyari.
2 Mga Taga-Corinto 2:10-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)