2 Mga Taga-Corinto 11:22-33
2 Mga Taga-Corinto 11:22-33 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sila ba'y Hebreo? Ako man ay Hebreo rin. Mga Israelita ba sila? Ako rin ay isang Israelita. Ninuno ba nila si Abraham? Ako'y ganoon din. Sila ba'y mga lingkod ni Cristo? Nagsasalita akong parang isang baliw, ngunit ako'y mas mabuting lingkod ni Cristo kaysa kanila. Higit ang aking paghihirap kaysa sa kanila; makailang ulit akong nabilanggo, hinagupit nang maraming beses, at madalas na nabingit sa kamatayan. Limang beses akong tumanggap ng tatlumpu't siyam na hagupit mula sa mga Judio; tatlong ulit kong naranasang hagupitin ng mga Romano, at minsan namang binato. Tatlong beses kong naranasang mawasak ang barkong aking sinasakyan, at minsa'y maghapo't magdamag akong lulutang-lutang sa dagat. Sa malimit kong paglalakbay, nalagay ako sa iba't ibang panganib sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil; mga panganib sa lunsod, sa ilang, sa dagat, sa mga nagpapanggap na mananampalataya. Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, at matinding gutom at uhaw. Naranasan ko ang ginawin ngunit wala man lamang maibalabal. Bukod sa lahat ng iyan ay inaalala ko pa araw-araw ang mga iglesya. Kung may nanghihina, karamay nila ako, at kung may nahuhulog sa pagkakasala, labis na naghihirap ang aking kalooban. Kung kailangang ako'y magyabang, ang ipagyayabang ko'y ang aking mga kahinaan. Hindi ako nagsisinungaling. Iya'y alam ng Diyos at Ama ng Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman! Nang ako'y nasa Damasco, ang pintuan ng lunsod ay pinabantayan ng gobernador na nasasakop ni Haring Aretas upang ipahuli ako. Ngunit isinakay ako sa isang malaking basket at ibinabâ sa kabila ng pader upang ako'y makatakas.
2 Mga Taga-Corinto 11:22-33 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ipinagmamalaki ba nilang silaʼy mga Judio, mga Israelita, at kabilang sa lahi ni Abraham? Ako rin! Sila baʼy mga lingkod ni Cristo? Alam kong para na akong baliw sa sinasabi ko, pero ako rin ay lingkod ni Cristo, at higit pa nga kaysa sa kanila! Dahil higit akong nagpakahirap kaysa sa kanila; mas maraming beses akong nakulong, nahagupit, at nalagay sa bingit ng kamatayan. Limang beses akong tumanggap ng 39 na hagupit sa kapwa ko mga Judio. Tatlong beses akong pinaghahampas ng mga sundalong Romano. Minsan na rin akong pinagbabato ng mga Judio. Tatlong beses kong naranasan na lumubog ang sinasakyang barko, at minsaʼy buong araw at gabi akong palutang-lutang sa dagat. Sa aking paglalakbay sa ibaʼt ibang lugar, nalagay ako sa panganib: sa pagtawid sa mga ilog, sa mga tulisan, sa kapwa ko mga Judio, sa mga hindi Judio, sa mga lungsod, sa mga ilang, sa dagat, at sa mga taong nagpapanggap na mga kapatid kay Cristo. Naranasan ko rin ang sobrang hirap at pagod, at kawalan ng tulog. Naranasan ko ang magutom, mauhaw, kadalasaʼy walang makain, at naranasan kong ginawin dahil sa kakulangan ng maisusuot. Maliban sa iba pang mga karanasan na hindi ko nabanggit, inaalala ko pa araw-araw ang kalagayan ng lahat na iglesya. Kung may nanghihina sa pananampalataya, nalulungkot ako. At kung may nagkakasala, naghihirap ang kalooban ko. Kung kailangan kong magmalaki, ang ipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan. Hindi ako nagsisinungaling, at alam iyan ng Dios at Ama ng ating Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman! Noong akoʼy nasa lungsod ng Damascus, pinabantayan ng gobernador na sakop ni Haring Aretas ang pintuan ng lungsod para dakpin ako. Ngunit inilagay ako ng aking mga kasama sa isang kaing at ibinaba sa labas ng pader ng lungsod, kaya nakatakas ako.
2 Mga Taga-Corinto 11:22-33 Ang Biblia (TLAB)
Sila baga'y mga Hebreo? ako man. Sila baga'y mga Israelita? ako man. Sila baga'y binhi ni Abraham? ako man. Sila baga'y mga ministro ni Cristo? (ako'y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; sa pagpapagal ako'y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit. Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa. Makaitlong ako'y hinampas ng mga panghampas, minsan ako'y binato, makaitlong ako'y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako'y nasa kalaliman ng dagat; Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga bulaang kapatid; Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran. Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia. Sino ang nanghina, at ako'y hindi nanghina? Sino ang napapatisod, at ako'y di nagdaramdam? Kung kinakailangang ako'y magmapuri, ako'y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan. Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling. Sa Damasco ay binantayan ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang bayan ng mga taga Damasco, upang ako'y hulihin: At sa isang dungawan, ay napahugos ako sa kuta, sa isang balaong, at ako'y nakatanan sa kanilang mga kamay.
2 Mga Taga-Corinto 11:22-33 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sila ba'y Hebreo? Ako man ay Hebreo rin. Mga Israelita ba sila? Ako rin ay isang Israelita. Ninuno ba nila si Abraham? Ako'y ganoon din. Sila ba'y mga lingkod ni Cristo? Nagsasalita akong parang isang baliw, ngunit ako'y mas mabuting lingkod ni Cristo kaysa kanila. Higit ang aking paghihirap kaysa sa kanila; makailang ulit akong nabilanggo, hinagupit nang maraming beses, at madalas na nabingit sa kamatayan. Limang beses akong tumanggap ng tatlumpu't siyam na hagupit mula sa mga Judio; tatlong ulit kong naranasang hagupitin ng mga Romano, at minsan namang binato. Tatlong beses kong naranasang mawasak ang barkong aking sinasakyan, at minsa'y maghapo't magdamag akong lulutang-lutang sa dagat. Sa malimit kong paglalakbay, nalagay ako sa iba't ibang panganib sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil; mga panganib sa lunsod, sa ilang, sa dagat, sa mga nagpapanggap na mananampalataya. Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, at matinding gutom at uhaw. Naranasan ko ang ginawin ngunit wala man lamang maibalabal. Bukod sa lahat ng iyan ay inaalala ko pa araw-araw ang mga iglesya. Kung may nanghihina, karamay nila ako, at kung may nahuhulog sa pagkakasala, labis na naghihirap ang aking kalooban. Kung kailangang ako'y magyabang, ang ipagyayabang ko'y ang aking mga kahinaan. Hindi ako nagsisinungaling. Iya'y alam ng Diyos at Ama ng Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman! Nang ako'y nasa Damasco, ang pintuan ng lunsod ay pinabantayan ng gobernador na nasasakop ni Haring Aretas upang ipahuli ako. Ngunit isinakay ako sa isang malaking basket at ibinabâ sa kabila ng pader upang ako'y makatakas.
2 Mga Taga-Corinto 11:22-33 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)