2 Mga Cronica 34:1-2
2 Mga Cronica 34:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Si Josias ay walong taóng gulang nang maging hari ng Juda. Tatlumpu't isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Tulad ng ninuno niyang si David, naging kalugud-lugod kay Yahweh ang mga ginawa niya. Namuhay siya nang matuwid.
2 Mga Cronica 34:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Si Josias ay walong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlumpuʼt isang taon. Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng PANGINOON at sumunod siya sa pamumuhay ng ninuno niyang si David. At hindi siya tumigil sa paggawa ng tama.
2 Mga Cronica 34:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Si Josias ay may walong taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong pu't isang taon sa Jerusalem. At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at lumakad ng mga lakad ni David na kaniyang magulang, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa.
2 Mga Cronica 34:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Si Josias ay walong taóng gulang nang maging hari ng Juda. Tatlumpu't isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Tulad ng ninuno niyang si David, naging kalugud-lugod kay Yahweh ang mga ginawa niya. Namuhay siya nang matuwid.
2 Mga Cronica 34:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)