2 Mga Cronica 26:16
2 Mga Cronica 26:16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Subalit nang maging makapangyarihan si Uzias, naging palalo siya na siyang dahilan ng kanyang pagbagsak. Nilapastangan niya ang Diyos niyang si Yahweh nang pumasok siya sa Templo upang maghandog sa altar na sunugan ng insenso.
2 Mga Cronica 26:16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pero nang naging makapangyarihan siya, naging mayabang siya. At ito ang nagpabagsak sa kanya. Hindi siya sumunod sa PANGINOON na kanyang Dios, dahil pumasok siya sa templo ng PANGINOON at personal na nagsunog ng insenso sa altar.
2 Mga Cronica 26:16 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't nang siya'y lumakas, ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.
2 Mga Cronica 26:16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Subalit nang maging makapangyarihan si Uzias, naging palalo siya na siyang dahilan ng kanyang pagbagsak. Nilapastangan niya ang Diyos niyang si Yahweh nang pumasok siya sa Templo upang maghandog sa altar na sunugan ng insenso.
2 Mga Cronica 26:16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)