1 Timoteo 5:1-3
1 Timoteo 5:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Huwag mong pagsasalitaan nang marahas ang lalaking nakatatanda sa iyo, kundi paalalahanan mo siya na parang sarili mong ama. Pakitunguhan mo namang parang kapatid ang mga nakababatang lalaki. Ituring mong parang sariling ina ang matatandang babae, at pakitunguhan mo nang buong kalinisan ang mga kabataang babae na parang iyong mga kapatid. Tulungan mo ang mga biyudang walang ikabubuhay.
1 Timoteo 5:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Huwag mong pagsasabihan nang marahas ang matatandang lalaki, sa halip kausapin mo sila na parang iyong ama. Ituring mo ang mga kabataang lalaki na parang mga kapatid, at ang matatandang babae na parang iyong ina. Pakitunguhan mo nang may malinis na puso ang mga nakababatang babae na parang kapatid mo na rin. Bigyan mo ng kaukulang pansin at tulong ang mga biyuda na wala nang ibang inaasahan.
1 Timoteo 5:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid: Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan. Papurihan mo ang mga babaing bao na tunay na bao.
1 Timoteo 5:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Huwag mong pagsasalitaan nang marahas ang lalaking nakatatanda sa iyo, kundi paalalahanan mo siya na parang sarili mong ama. Pakitunguhan mo namang parang kapatid ang mga nakababatang lalaki. Ituring mong parang sariling ina ang matatandang babae, at pakitunguhan mo nang buong kalinisan ang mga kabataang babae na parang iyong mga kapatid. Tulungan mo ang mga biyudang walang ikabubuhay.
1 Timoteo 5:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)