1 Samuel 2:1
1 Samuel 2:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ganito ang naging panalangin ni Ana: “Pinupuri kita, Yahweh dahil sa iyong kaloob sa akin. Aking mga kaaway, ngayo'y aking pinagtatawanan, sapagkat iniligtas mo ako sa lubos na kahihiyan.
1 Samuel 2:1 Ang Salita ng Dios (ASND)
At nanalangin si Hanna, “Nagagalak ako sa PANGINOON! Dahil sa kanyang ginawa, hindi na ako mahihiya. Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway. Nagagalak ako sa pagliligtas niya sa akin.
1 Samuel 2:1 Ang Biblia (TLAB)
At si Ana ay nanalangin, at nagsabi: Nagagalak ang aking puso sa Panginoon; Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon; Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway; Sapagka't ako'y nagagalak sa iyong pagliligtas.