1 Samuel 1:15-18
1 Samuel 1:15-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Hindi po ako lasing,” sagot ni Ana. “Ni hindi po ako tumitikim ng alak. Ang damdamin ko po'y naghihirap at idinudulog ko kay Yahweh ang aking kalagayan. Huwag po sana ninyong isipin na ang inyong lingkod ay masamang babae. Ipinapahayag ko lamang ang matinding paghihirap ng aking damdamin.” Dahil dito, sinabi ni Eli, “Ipanatag mo ang iyong sarili at umuwi ka na. Ang Diyos ng Israel ang tutugon sa iyong kahilingan.” Sumagot si Ana, “Magkatotoo po sana ang inyong sinabi tungkol sa akin.” Pagkasabi niyon, bumalik sa kanilang tinutuluyan at kumaing wala na ang bigat ng kanyang kalooban.
1 Samuel 1:15-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sumagot si Hanna, “Hindi po ako lasing, at hindi po ako nakainom ng kahit anong klase ng inumin. Ibinubuhos ko lang po sa PANGINOON ang paghihirap na aking nararamdaman. Huwag po ninyong isipin na masama akong babae. Nananalangin po ako rito dahil sa labis na kalungkutan.” Sinabi ni Eli, “Sige, umuwi kang mapayapa. Sanaʼy ipagkaloob ng Dios ng Israel ang hinihiling mo sa kanya.” Sumagot si Hanna, “Salamat po sa kabutihan ninyo sa akin.” Pagkatapos ay umalis na siya at kumain, at nawala na ang lungkot sa kanyang mukha.
1 Samuel 1:15-18 Ang Biblia (TLAB)
At sumagot si Ana, at nagsabi, Hindi, panginoon ko, ako'y isang babae na may diwang mapanglaw: hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing, kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon. Huwag mong ibilang na babaing hamak ang iyong lingkod: sapagka't sa kasaganaan ng aking daing at ng aking pagkaduwahagi ay nagsalita ako hanggang ngayon. Nang magkagayo'y sumagot si Eli, at nagsabi, Yumaon kang payapa: at ipagkaloob nawa sa iyo ng Dios ng Israel ang iyong hiling na hinihingi mo sa kaniya. At sinabi niya, Makasumpong nawa ang iyong lingkod ng biyaya sa iyong paningin. Sa gayo'y nagpatuloy ng kaniyang lakad ang babae at kumain, at ang kaniyang mukha'y hindi na malumbay.
1 Samuel 1:15-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Hindi po ako lasing,” sagot ni Ana. “Ni hindi po ako tumitikim ng alak. Ang damdamin ko po'y naghihirap at idinudulog ko kay Yahweh ang aking kalagayan. Huwag po sana ninyong isipin na ang inyong lingkod ay masamang babae. Ipinapahayag ko lamang ang matinding paghihirap ng aking damdamin.” Dahil dito, sinabi ni Eli, “Ipanatag mo ang iyong sarili at umuwi ka na. Ang Diyos ng Israel ang tutugon sa iyong kahilingan.” Sumagot si Ana, “Magkatotoo po sana ang inyong sinabi tungkol sa akin.” Pagkasabi niyon, bumalik sa kanilang tinutuluyan at kumaing wala na ang bigat ng kanyang kalooban.
1 Samuel 1:15-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)