1 Pedro 2:4-7
1 Pedro 2:4-7 Ang Biblia (TLAB)
Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga, Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo. Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan, Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga: At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya. Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya, Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok
1 Pedro 2:4-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lumapit kayo sa kanya; siya ang batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos na mahalaga sa kanyang paningin. Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya alang-alang kay Jesu-Cristo, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Tingnan ninyo, inilalagay ko sa Zion ang isang batong-panulukan, pinili at mahalaga; hindi mapapahiya ang sinumang sumasampalataya sa kanya.” Kaya nga, mahalaga siya sa inyong mga sumasampalataya sa kanya, ngunit sa mga walang pananampalataya, matutupad ang nasa kasulatan, “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-pundasyon.”
1 Pedro 2:4-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Siya ang batong buhay na itinakwil ng mga tao pero pinili ng Dios at mahalaga sa paningin niya. At habang lumalapit kayo sa kanya, kayo na tulad din ng batong buhay ay itinatayo ng Dios bilang isang gusaling espiritwal. At bilang mga banal na paring pinili ng Dios, nag-aalay kayo sa kanya ng mga espiritwal na handog na kalugod-lugod sa kanya dahil ginagawa nʼyo ito sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan, “May pinili akong maghahari sa Zion. Tulad niyaʼy mahalagang bato na ginawa kong pundasyon. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” Kaya kayong sumasampalataya ay pararangalan ng Dios. Ngunit sa taong hindi sumasampalataya ay naganap ang sinasabi sa Kasulatan, “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon.”
1 Pedro 2:4-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Lumapit kayo sa kanya; siya ang batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos na mahalaga sa kanyang paningin. Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya alang-alang kay Jesu-Cristo, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Tingnan ninyo, inilalagay ko sa Zion ang isang batong-panulukan, pinili at mahalaga; hindi mapapahiya ang sinumang sumasampalataya sa kanya.” Kaya nga, mahalaga siya sa inyong mga sumasampalataya sa kanya, ngunit sa mga walang pananampalataya, matutupad ang nasa kasulatan, “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-pundasyon.”
1 Pedro 2:4-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)