1 Pedro 1:22-25
1 Pedro 1:22-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buháy at di nagbabagong salita ng Diyos. Ayon sa kasulatan, “Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay nalalanta, at kumukupas naman ang bulaklak, ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.” At ang salitang ito ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.
1 Pedro 1:22-25 Ang Salita ng Dios (ASND)
At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Cristo. Magmahalan kayo ng taos-puso, dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Dios. Ayon sa Kasulatan, “Ang lahat ng tao ay parang damo, ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito. Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag, ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.” At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.
1 Pedro 1:22-25 Ang Biblia (TLAB)
Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isa: Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi. Sapagka't, Ang lahat ng laman ay gaya ng damo, At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta: Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.
1 Pedro 1:22-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buháy at di nagbabagong salita ng Diyos. Ayon sa kasulatan, “Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay nalalanta, at kumukupas naman ang bulaklak, ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.” At ang salitang ito ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.
1 Pedro 1:22-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)