1 Mga Hari 3:1
1 Mga Hari 3:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Naging kakampi ni Solomon ang Faraon, hari ng Egipto, nang kanyang pakasalan ang anak nito. Itinira niya ang prinsesa sa lunsod ni David habang hindi pa tapos ang kanyang palasyo, ang bahay ni Yahweh at ang pader ng Jerusalem.
1 Mga Hari 3:1 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nakipag-alyansa si Solomon sa Faraon na hari ng Egipto at naging asawa niya ang anak nito. Dinala niya ang kanyang asawa sa Lungsod ni David hanggang sa matapos niya ang pagpapatayo ng kanyang palasyo, ng templo ng PANGINOON, at ng mga pader sa paligid ng Jerusalem.
1 Mga Hari 3:1 Ang Biblia (TLAB)
At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot.
1 Mga Hari 3:1 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Naging kakampi ni Solomon ang Faraon, hari ng Egipto, nang kanyang pakasalan ang anak nito. Itinira niya ang prinsesa sa lunsod ni David habang hindi pa tapos ang kanyang palasyo, ang bahay ni Yahweh at ang pader ng Jerusalem.
1 Mga Hari 3:1 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)