1 Mga Hari 22:22
1 Mga Hari 22:22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Paano? At kaniyang sinabi, Ako'y lalabas, at magiging magdarayang espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta. At kaniyang sinabi, Iyong dadayain siya, at mananaig ka rin: lumabas ka, at gawin mong gayon.
1 Mga Hari 22:22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“‘Pupunta po ako roon at magiging espiritung sinungaling na magsasalita sa pamamagitan ng kanyang mga propeta,’ sagot ng espiritu. “‘Ikaw ang humikayat sa kanya at magtatagumpay ka,’ sabi ni Yahweh.”
1 Mga Hari 22:22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nagtanong ang PANGINOON, ‘Sa papaanong paraan?’ Sumagot siya, ‘Pupunta ako at pagsasalitain ko ng kasinungalingan ang mga propeta ni Ahab.’ Sinabi ng PANGINOON, ‘Lumakad ka at gawin mo ito. Magtatagumpay ka sa paghihikayat sa kanya.’ ”
1 Mga Hari 22:22 Ang Biblia (TLAB)