1 Juan 4:6-10
1 Juan 4:6-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit tayo'y sa Diyos. Ang sinumang kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa atin; ngunit hindi nakikinig sa atin ang sinumang hindi sa Diyos. Sa ganito nga natin nakikilala ang Espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan. Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.
1 Juan 4:6-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Subalit tayoʼy sa Diyos. Ang mga kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa mga sinasabi natin, ngunit ang mga hindi kumikilala sa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa ganito natin nakikilala kung ang nasa kanila ay ang Espiritu ng katotohanan o ang espiritu ng kasinungalingan. Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos. Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo niya ang kanyang kaisa-isang Anak dito sa mundo, upang tayoʼy mabuhay sa pamamagitan niya. Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.
1 Juan 4:6-10 Ang Biblia (TLAB)
Tayo nga'y sa Dios: ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian. Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig. Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya. Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.
1 Juan 4:6-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit tayo'y sa Diyos. Ang sinumang kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa atin; ngunit hindi nakikinig sa atin ang sinumang hindi sa Diyos. Sa ganito nga natin nakikilala ang Espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan. Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.
1 Juan 4:6-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)