1 Mga Taga-Corinto 8:1-2
1 Mga Taga-Corinto 8:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tungkol naman sa mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan, alam nating “may kaalaman tayong lahat.” Ang kaalaman ay nagtutulak sa tao na maging mapagmataas, subalit ang pag-ibig ay nakapagpapatatag. Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman.
1 Mga Taga-Corinto 8:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngayon, tungkol naman sa mga pagkaing inialay sa mga dios-diosan, kung maaari ba natin itong kainin o hindi: Kahit marami na ang ating nalalaman, dapat nating tandaan na kung minsan ang kaalaman ay nagpapayabang sa tao. Mas mahalaga ang pagmamahalan, dahil itoʼy nakapagpapatatag sa atin. Ang taong nag-aakala na marami na siyang alam ay kulang pa rin talaga sa kaalaman.
1 Mga Taga-Corinto 8:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon tungkol sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan: Nalalaman natin na tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapalalo, nguni't ang pagibig ay nagpapatibay. Kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may nalalamang anoman, ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman
1 Mga Taga-Corinto 8:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tungkol naman sa mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan, alam nating “may kaalaman tayong lahat.” Ang kaalaman ay nagtutulak sa tao na maging mapagmataas, subalit ang pag-ibig ay nakapagpapatatag. Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman.
1 Mga Taga-Corinto 8:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)